Chapter 53

1.8K 92 22
                                    

[Kabanata 53]

Sky Higurashi's P.O.V

Ilang taon na din nung huli akong nakatungtong sa ganitong okasyon, Simula nang mangyari ang pinaka malaking trahedya na nangyari sa aking buhay.

Flashback

"Lumayas kayo! Hindi ko matatanggap kailan man ang babaeng yan bilang aking manugang!" Sigaw nang aking Ina, Hindi nya matanggap na nakabuntis ako nang babae nang Hindi pa kami naikakasal dahil isa daw itong kahihiyan sa aming angkan.

Umalis kami sa palasyo, Wala din akong balak na maging Emperor dahil ang pangarap ko lang ay magka pamilya. Nais kong mamuhay nang masaya at masagana bilang isang normal na mamamayan.

Hindi kami pwedeng mamuhay sa Japan dahil kilala na ako halos nang buong Tao sa Japan dahil publiko na akong ipinakilala nang aking mga magulang.

Hindi ko alam kung saan kami pwedeng mamuhay nang mapayapa, nagpakasal na din kami ni Ichika, ang ina nang kambal kong anak.

Naalala kong may naging mabuti akong kaibigan nuon na nakilala ko sa Bitterland, naisipan kong sa Bitterland mamuhay dahil duon ay Walang nakakakilala sa amin.

Pitong buwan buntis nuon si Ichika, Wala kaming kaalam alam na pinasundan kami nang aking Ama dahil nag-aalala ito sa aming kalagayan.

Si Gordon Shida ang aking pinaka matalik na kaybigan, Sya ang nagligtas sa anak kong lalaki. Hindi ko alam na sinundan nya kami, May anak syang lalaki, Mas matanda sa anak namin ni Ichika nang tatlong taon or dalawa kung Hindi ako nagkakamali. Sya ang lalaking kasama ni Claude palagi, Si Julius Shida.

Hindi ko alam na sumama Ang asawa nitong si Sulie, Si Sulie ay Pinsan ni Ichika kaya naman lubos din ang pag-aalala nito sa kanya.

Masaklap ang naging kamatayan Nang asawa nito at nang maging asawa ko, nandun kami nang masaksihan namin ang pagkamatay nang aming Mahal sa buhay.

May 29 1998, Ang araw kung saan ipinanganak ni Ichika ang Kambal kong Anak, Maulan nung araw na yun.

Hindi kona nagawang madala pa sa Hospital si Ichika dahil Wala kaming pera, naisip ko nang mga oras na yun na hindi lang pala saya at pag-ibig ang kakailanganin nang tao para mabuhay, kaylangan din nang pera.

Hindi ko alam nang mga oras na yun na Meron pa lang masasamang tao na nagmamanman sa bawat kilos namin. May nakaalam kasi sa tunay kong pagkatao, wala akong kamalay malay nuon na balak nila akong kunin at ipatubos sa mga magulang ko.

Gabi nang lumabas mula sa sinapupunan ni Ichika ang Una kong anak na si Claude, Nang mga oras na yun ay nahihirapan nang huminga si Ichika.

Hindi na nya kayang ipanganak pa ang ikalawa naming anak, kaya napagdesisyonan kong Dalhin na sya sa Hospital, may kaybigan din ako sa Bitterland at si Roberto Yun, Si Roberto Kripot ang tanging tao na hindi na inaalam ang pagkatao nang isang tao para maging kaybigan.

Malaki din ang pasasalamat ko sa kanya dahil sya ang lagi kong nakakapitan kapag akoy gipit na, hinding Hindi ko makakalimutan ang mga panahon na iyon.

Sinulong namin ang malakas na ulan ni Ichika, dahil Wala kaming pera at Wala ding dumadaang namamasada ay isinakay ko ang aking mag-ina sa isang kariton.

Duon ay hinarang kami nang mga armadong lalaki, pinipilit akong isama sa kanila kaso nagpumiglas ako. Hindi pa ako gaanong malakas dahil 19 years old pa lang ako nuon nang mabuntis ko si Ichika na 18 years old pa lang.

Binugbog ako nang mga armadong lalaki pero pinilit kong tumayo upang madala ang aking mag-ina sa Hospital.

Nagpapantig sa tenga ko ang sabayang pagsigaw nang aking mag-ina, Hindi pa kasi lumalabas ang isa pang bata mula sa sinapupunan ni Ichika.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now