Chapter 15

3K 123 2
                                    

[Kabanata 15]

Liyah's P.O.V

Busy ang lahat sa pagdedekorasyon nang Gymnasium dahil Ilang Araw na lang gaganapin na ang Intramurals, Sa Section namin naka Assign ang pagdedekorasyon at pagpapaganda nang Stage lalo na at dito sa School namin gaganapin ang Inramurals. As always naman kasing sa Section namin lagi ang nagde-design nang Stage every may event.

Intamurals kung saan ang bawat School ay maglalaban laban, Nung nakaraang taon ay sa Roce University ginanap ang Intramurals at ang University of Bitterland parin ang nangunguna, Limang School lamang ang Naglalaban laban kabilang ang University of Bitterland, Roce University, Shilva State University, Saint University at Lucos University, tanging ang mga Universities lamang na ito ang pwedeng magparticipate sa Every Intramural na magaganap, ibig sabihin Makikita kona naman at makakasama ang Kapatid ko at ang Hayop na kuya ni Normainie na si Norxione.

"Liyah paabot nga nung Paintbrush!" Sigaw ni Normainie at dahil dun nandilim ang paningin ko.

"Woi!" kinakabahan na ngayon si Normainie na nakatingin sa akin.

"Norxione!" Halos mapunit pa ang lalamunan ko nang isigaw ko ang pangalang yun! Dahil sa inis ko pati ang hawak hawak ko ngayong paint brush ay bali-bali na din.

"Besh! Kalma ako lang toh! Normainie ako Hindi Norxione ha? Kapatid nya lang toh" dahil sa sinabing yun ni Normainie ay mas lalo akong nainis. Nakadagdag din Sa inis ko ang maiingay at mahaharot na mga estudyante sa baba nang Stage!

"Argh! That man! Norxione!" Gigil na gigil kong pinira piraso ang paint brush na hawak ko.

"You're calling out my name? What's the matter?" Tila binuhusan na naman ako nang mainit na tubig nang marinig ko ang nakakarinding boses na yun! Bigla tuloy akong nakaramdam nang Galit! Gusto kong manapak kaya Mananapak talaga ako!

Automatikong nangunot ang nuo ko nang marinig kong magsalita ang Hayop na manhid na yun!

"Oh kuya What's brought you here?" Agad na Tumayo si Normaine at lumapit sa kuya nya, ako naman ay nananatiling naka talikod lang at pinagdidiskitahan ang putol putol nang paint brush. Ano na naman kaya ang ginagawa nyan dito? Tss pasikat sa mga girls kasi malapit na ang Intramural?

"I heard that you're calling my name Miss?..."

"Baltazar" lalo akong nagalit nang marinig ko ang boses na yun! Ang pakialamerang Boses na yun! So ngayon alam kona kung bakit nandito ang hinayupak na manhid na yan dahil magkasama pala silang dalawa nang Pakialamera kong Kapatid na Liziah. Mga Pasikat Psh!

"Sino ba nag paint nung Flowers with butterfly?" Rinig kong tanong ni Hinayupak.

"Ah Si Heavenia yan! Ewan ko nga kung asan na yun kanina nandito lang sya" Sagot ni Normainie.

"Ah the Crown Princess, Hindi ko alam na may talent sya sa Pagpipinta" Sabat ni Liziah! Psh! Pakialamera at dramatic na nga Sabatera pa! 3 in 1 talaga sya. At tsaka kailangan pa ba talaga nyang malaman kung ano ang mga talento ni Heavenia? Yan na naman siguro ang Insecurities nang Babaeng toh!

"How about that man and A girl while handling a fishing rod?" Tanong na naman ni Hinayupak.

"Si Heavenia rin, ako lang yung nag Color" Sagot ni Normainie sa Kuya nyang Hinayupak.

"And The design?" Napa rolled eyes na lang ako, Bakit ba interesado sya sa Idi-design namin?

"Si Heavenia rin" sagot ni Normainie, napa smirk naman ang hinayupak at tumingin silang dalawa nang Ate kong pakialamera sa akin.

"How about you? Ms. BALTAZAR? Ano ang naiambag mo? Wag mong sabihing pang design ka lang dyan at walang ginagawa?" Diniinan pa nang hinayupak ang pagkakabigkas sa apelyedo ko! Psh! Kala mo naman kung sinong Magaling.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now