Chapter 56

1.8K 108 20
                                    

[Kabanata 56]

Speid's P.O.V

Natawa ako sa isip ko dahil sa reaksyong namutawi sa mukha nang bawat isa sa loob nang Dining area. Alam kong Hindi nila inaasahan ang pagdating nang aking bisita.

Nakita ko pa ang paggalaw nang mga ugat ni Xyron banda sa kanyang nuo at napahilot sya sa kanyang sentido, Si Veronica naman ay nakangiting nakatitig sa amin  habang ang nanay nito ay para bang bulkan na kahit na anong oras ay sasabog na, ang ama naman nito ay nanatiling walang ekspresyon at tahimik lamang.

"Tuloy kayo, tuloy ka Speid, Iha" rinig kong pag-aanyaya ni Lolo. Agad naman kaming umupo at sinadya kong paupuin sa tapat ni Xyron si Heavenia.

"Maraming salamat po" pagpapasalamat pa ni Heavenia, Kahit na nawala ang ala-ala nya ay Hindi pa rin nawawala ang pagiging magalang nito.

"Alam nyo naman po siguro ang kalagayan ni Heavenia kaya mas makabubuting Hindi nyo na po sya tanungin tungkol sa mga bagay bagay na ikinababahala nyo" Sabi ko pa, sinulyapan ko naman si Xyron na seryosong nakatingin sa akin.

Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito, ang araw na may magiging alitan kami nang paborito kong pinsan. I'm willing to give him everything to make him happy because I loved him as my young brother.

I even entrusted him the love of my life pero he broke my trust, alam ko  namang Hindi masama ang ugali ng  pinsan ko, nabulag  lang talaga sya sa pag-ibig nya kay Veronica.

Nagsimula nang kumain ang lahat, tahimik lamang kami habang kumakain nang biglang nabilaukan si Heavenia, nag-unahan pa kaming mag-abot nang tubig ni Xyron.

Ramdam ko ang pagkailang na nararamdaman ni Heavenia kaya hinugot kona lang ang likod nito. Laking pasasalamat ko naman nang Wala na ang bilaok sa kanya.

"Hahaha Hindi ka pa rin nagbabago" natatawang sabi pa ni Lolo.

"P-Po?" Nagtatakang tanong ni Heavenia. Tinignan ko naman si Lolo at ngumiti lamang ito.

"Ah tungkol nga pala sa sinabi nitong apo ko iha itatanong ko lang kung may namamagitan sa inyong dalawa" nakangiting sabi ni Lolo. Nabuga naman ni Heavenia ang tubig na iniinom nya at sapul sa pagmumukha ni Xyron dahil sya ang nasa tapat nito.

"Omo! Naku! Sorry Hindi ko sinasadya" paghingi nang paumanhin ni Heavenia, pinunasan naman ito no Xyron at tinulungan sya ni Veronica.

"Where's your manners!?" Inis na tanong nang nanay ni Veronica.

"Mommy" tawag sa kanya ni Veronica. Kumalma naman ang nanay nito at padabog na tumayo at nag walk out. Naghahanap nang manners nang iba, wala din naman syang manners.

"Pasensya na talaga" muling paghingi nang paumanhin ni Heavenia.

"Okay lang wag mo na syang alalahanin" nakangiti pa rin si Veronica.

"A-ano nga po ulit ang  tanong nyo po?" Tanong ni Heavenia kay Lolo.

"Kung may namamagitan sa inyo nang apo kong si Speid"

"Meron po"-Sya

"Nagbibiro lang po ako"-Ako

Nagkatinginan pa kaming dalawa dahil magkaibang sagot ang aming  naisagot. Hindi ko naman kasi inaasahan na sasabihin nyang merong namamagitan sa aming dalawa.

"Hahaha kayo talagang mga bata, ano ba talaga ang relasyon nyo?"

"Boyfriend ko po sya" nagulat ako sa sinabing iyon ni Heavenia, Hindi ko pa sya nililigawan at Hindi ko din maalala na sinagot nya ako.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now