Chapter 64

1.5K 75 0
                                    

[Kabanat 64]

Speid's P.O.V

Nagulat ako nang napasigaw si Heavenia dahil sa paghampas nang lalaking ito sa akin nang latigo. Naiintindihan ko na. Ayaw nyang makita akong nasasaktan kaya nya pinilit na maging matatag kanina.

Nakikita ko ang luhaan nyang mukha habang nakikiusap na itigil na nang lalaki ang pagpapahirap sa akin. Nakita kong nawalan sya nang malay. Itinigil naman nung lalaki ang paghampas sa akin nang latigo.

"Nakuhanan mo ba ang pagsigaw at pag-iyak nang babaeng iyon?"

"Opo"

"Kung ganun ay kalagan mo ang lalaking ito" kinalagan naman ako nang lalaking may hawak na Camera.

"Hali kana, ikandado mo nang mabuti nang Hindi makalabas ang mga bihag"

"Opo" lumabas na silang dalawa. Gumapang naman ako papunta kay Heavenia. Malamig ang katawan nito at basang basa pa.

Kinalagan ko sya, lumapit ako kay Veronica at kinalagan na din sya. Bumalik ako kay Heavenia at pinahiga sya sa hita ko.

"Naiintindihan na kita Heavenia" sabi ko pa. Hinaplos haplos ko pa ang buhok nito. Punit punit na din ang damit nito sa likod at may sugat na din sya.

"N-Nasaan ako?" Napalingon naman ako nang marinig kong nagsalita si Veronica.

"S-Speid?" Gulat nitong tanong.

"May dumukot sa ating tatlo" sagot ko.

"Oh My God! Anong nangyari sa likod mo? S-Si Heavenia anong nangyari sa kanya?"

"Pinahirapan kami, Buti na lang at hindi ka nila pinahirapan" Nag-aalala syang lumapit sa amin. Hinubad nya ang sweater na suot nito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko dito.

"May T-shirt naman akong suot, umalis ka muna dyan at huhubarin ko ang damit ni Heavenia" sinunod ko naman ang sinabi nyang iyon. Tumalikod muna ako.

"Oh Ayan, Pwede ka nang tumingin dito" muli ay pinahiga ko si Heavenia sa hita ko.

"Sino ba ang nagdala sa atin dito?" Pagtatanong nito.

"Hindi ko din alam, basta nagising na lang ako sa lugar na ito"

"Si Heavenia?"

"Ganun din, dinukot din sya, Hindi ko alam kung sino ang may pakana nang lahat nang ito kaya kailangan nating mag-ingat dahil baka kung ano na ang masamang binabalak nang mga dumukot sa atin" tumango naman sya. Ngayon ko lang nakita si Veronica na tumapang. Madalas syang matakot kahit sa maliit na bagay lamang dahil matatakutin ito Simula pagkabata.

Marami na rin talagang nagbago, Hindi na sya ang nakilala kong Veronica dati na Hindi lang makita ang Daddy nito ay umiiyak na.
Muling bumukas ang pintuan.

"Oh ayan kumain kayo" inabot nito ang isang tray na naglalaman nang tatlong plato nang kanin, tatlong baso nang tubig at tatlong tuyong isda. Muli ay isinara na nila ang pinto.

Naramdaman ko namang gumalaw si Heavenia kaya agad ko syang hinawakan sa pisngi at tinapik tapik ito.

"Heavenia? Heavenia?" Dahan dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata. Nakita ko ang pamumuo nang luha sa kanyang mga mata nang makita nya ang mukha ko.

"S-Speid..." naiyak sya, niyakap ko naman sya para kumalma sya.

"Wag kang umiyak, ayos lang ako, wag kang mag-alala ayos lang talaga ako"

"Sabi ko naman kasi sayo Speid eh, na ayos lang ako, wag mo na ulit gagawin iyong kanina, ayos lang na ako ang saktan nila pero Hindi ko kayang makita kang nasasaktan" umiiyak pa nitong sabi.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now