Chapter 78

1.6K 70 6
                                    

[Kabanata 78]

Xyron Jin's P.O.V

"The operation is successful" agad na bungad sa akin ng doctor. Hindi ko sya sinagot.

Sa kabila ng lahat ng nangyari ay nagpapasalamat parin ako dahil may maganda namang kinahinatnan ang lahat.

Napaupo na lamang ako sa bench, hindi pa pala ako nakakakain simula kahapon. Dalawang araw na din akong Hindi nakakaligo.

"Xyron, anak umuwi na tayo" pagpupumilit ni Mommy na umuwi. Kahapon pa nya ako pinipilit umuwi kaso ayoko pang umuwi.

Wala din akong kinakausap, ayokong magsalita, pakiramdam ko ay nawala na nang tuluyan ang tinig ko.

"Kahapon pa tayong nandito, umuwi na sila, nandyan naman ang pamilya nya eh kaya Hindi mona sya kailangang bantayan pa, dalawang araw kana ding walang tulog, hinihintay kana din ni Speid" napatingin ako kay mommy nang banggitin nya ang pangalan ni Speid.

"Kailangan ka ng Pinsan mo ngayon anak, kailangan na nating umuwi"

"P-paki sabi na lang po sa kanya na kailangan ko pang bantayan si Heavenia dito" sa wakas ay nakapag salita din ako.

Nagtaka ako nang biglang umiyak si Mommy at niyakap ako. What's wrong with her?

"Mommy, why are you crying? Is there something wrong?" I asked.

"Anak, iniuwi na si Heavenia kagabi pa, si Veronica ang binabantayan mo ngayon at hindi si Heavenia, inoperahan sya kanina lamang dahil may nahanap ng heart donor"

"H-Hindi ko maintindihan... Nandito si Heavenia Mommy, bakit mo sinasabing iniuwi na sya kagabi? S-Si Speid, magkasama ba si Speid at Heavenia ngayon? Tara umuwi na tayo, gusto kong makita si Heavenia,gusto kong makita ang asawa ko mommy." Mas lalo pang naluha si Mommy na sadyang ipinagtaka ko.

"Wala na sila anak, wala na si Speid at Heavenia, patay na sila" I pushed my Mom away.

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Hindi pa sila patay! Nandito lamang sila kanina lang! Nagsisinungaling ka lamang!" Sigaw ko dito.

"Anak, wala na sila..."

"No! You're lying Mommy! They're here a while ago! Did you hide them? Where did you hide them? I'll find them Mommy!"

"No, No son, I'm not lying" may nakita akong isang nurse at agad ko itong nilapitan at hinawakan sa braso.

"Nurse, Nurse, alam nyo ba kung saan itinago ni Mommy sina Heavenia at Speid? Heavenia Kripot at Speid Sullivan po"

"Ah Sir, kagabi pa po sila iniuwi"

"Saan sila iniuwi? Kumusta sila? Ayos lang ba sila?"

"Hindi nyo po ba alam?"

"Ano iyon?"

"Ikinalulungkot ko pong sabihin ngunit wala na po sila" literal na napaupo ako sa sahig. Bakit masyadong sinungaling ang mga tao dito sa loob?

"Anak, umuwi na tayo, hinihintay kana nila"

"Mom... Please say it to me, you're lying right? They aren't dead right? They're ok right?"

"Accept the reality son, maybe they're body was dead but they're always alive in our heart"

"B-Bakit ang sakit? S-Si Heavenia? Nasabi ko ba sa kanya na Mahal ko sya? Si Speid nasabi ko ba sa kanya na humihingi ako nang kapatawaran dahil nasaktan ko sya ng Hindi sinasadya?" Hindi sumagot si Mommy.

"Limang taon akong nagdusa dahil sa pagkawala ni Heavenia Mommy... God was so cruel on me. He took the two person I valued the most Mom, God was so mean, God didn't want me to be happy"

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now