Chapter 31

2.1K 104 10
                                    

[Kabanata 31]

Heavenia's P.O.V

Kasalukuyang kumakanta ang grupo nila Xyron at Faster nang mahagilap nang mata ko ang isang pamilyar na mukha.

Kinukulit at tinatanong naman ako ni Normainie kung ano ang ibig sabihin nung kanta. Sabi na nga bang kaya Hindi sya napaluha kanina eh dahil Hindi nya talaga naintindihan yung lyrics nang kanta.

Hindi kona sinagot ang tanong nya at nagdahilan akong masyadong mabilis ang kanta kaya Hindi ako makasunod kaya Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig nito.

Hindi pa rin naaalis ang aking paningin sa taong iyon. Nagkatitigan pa kami nang mata sa mata at parehong nagulat.

Nakita ko syang lumalayo at sinundan ko sya. Masyado syang mabilis maglakad kaya Hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Normainie.

Sinundan ko lang sya nang sinundan hanggang sa mapadpad kami sa mismong gate ng school. Sino kaya sya? Tanong kona lang sa aking sarili.

Hinabol ko sya pero nawala na lang sya na parang bula. Luhhhh? Imaginations ko lang ba yun? Or minumulto ako nang sarili ko?

Nang mawala na sa mata ko ang taong sinusundan ko kanina ay bumalik na ako sa Cover Court. Naabutan ko pang kinakanta na nilang lahat yung Chorus. Yung I Got basta yun yon.

Magaling silang lahat. Walang duda na pwede silang sumikat kahit na sa sariling sikap lang at Hindi kasali ang impluwensya ng kani kanilang mga pamilya. Lahat sila ay may taglay na kagwapuhan at Hindi iyon maitatanggi ng lahat.

Isa lang naman akong ordinaryong tao na napasok lang sa Unibersidad na ito nang Hindi naman talaga sinasadya. Oo scholar ako sa School na ito dahil sa isang insidente dalawang taon na ang nakalilipas.

Nasa 2nd Year High School pa lang ako. Isa pa lamang akong Sophomore ng Eskwelahang Totto. Isang araw nun habang papatawid ako sa kalsada ng kamuntikan na akong mabangga nang kotse. Napaupo ako nun sa gitna nang kalsada at duon lumabas ang Lalaking iyon. Ang lalaking nagpapasok sa akin sa Eskwelahang ito at ang lalaking sumusuporta sa Pag-aaral ko.

Oo Scholar ako pero Hindi ang school ang nagpoprovide ng mga gamit ko kundi ang taong yun. Si Dean Goxon Warth. Mabait syang tao at tinutulungan nya din ang pamilya ko. Nagagalit nga yung ibang faculties sa akin dahil ipinagbabawal daw talaga ng School na ito ang tumanggap ng Scholar. Pero Anong magagawa nila? Mismong Dean ang nagdesisyon na ipasok ako sa Eskwelahang ito.

Ang pamilya naman ni Xyron ang may malaking Shares sa School dahil sila ang nagpoprovide ng mga gamit pang Sports. Masyadong mayaman ang Sullivan Family kaya siguradong barya lang iyon para sa kanila. Hindi ko maitatanggi na Tinamaan ako nuon ni Xyron ng sabihin nyang mukhang pera ako.

Anong magagawa ko? Paano ko maisasalba ang pamilya namin kung Wala akong pera? Hindi ko din gusto na maikasal sa lalaking Hindi ko naman gusto pero Wala na akong Choice. Mas gugustuhin kong ako ang mahirapan kesa na makita ang pamilya kong nahihirapan nang dahil sa akin dahil may oportunidad na akong Iligtas sila pero pinakawalan ko lang nang basta basta.

Ngayon alam ko nang bayad na ang pamilya ko sa mga Utang namin, Hindi naman din ako masyadong nahihirapan. Sabi nga nila mayroon talagang bagay na gustong gusto mo na ikakasama mo at mga bagay na mga ayaw mo na ikabubuti mo.

"Oi Heavenia?" Napatingin naman ako sa nagbanggit nang pangalan ko. Si Gino lang pala.

"Bakit ka nandito? Nasaan sila Normainie at Liyah? Bakit Hindi mo sila kasama? At tsaka Bakit ka nag-iisa dito? Hindi ka naman loner diba?"

"Ang dami mo namang tanong Gino, nakakasakit sa tenga eh, pwedeng isa isa lang?" Kabisado ko na ang lalaking ito. Masyado syang tsismoso at pala salita. Minsan nga naiisip kong magkamag-anak sila nung isang kaybigan ni Xyron na Zhad ang pangalan. Masyado silang madaldal.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now