Epilogue

3.5K 117 12
                                    

Third Person's P.O.V

"Tulong! Tulungan nyo kami!" Natatarantang sigaw ni Xyron.

"Ano ang nangyayari?" Mula sa itaas ay narinig nito ang tanong ni Rhen ang kapatid ni Heavenia.

"Manganganak ang asawa ko Rhen! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!" Taranta parin nitong sabi.

Nagsitakbuhan naman ang mga tao sa loob ng palasyo ng mga Higurashi ng malaman nilang manganganak na si Heavenia ang asawa ni Xyron.

"Bakit ba kasi ang tanga mo Xyron! Kailangan pang ibalita sa buong mundo ha? Dalhin mona lang ako sa Hospital! Wag kang tatanga tanga! Lalabas na ang bata!" Sigaw ni Heavenia sa kanyang asawa. Hindi parin mapakali si Xyron dahil natataranta parin ito.

Ito ang unang beses na manganganak ang  kanyang asawa kaya hindi nya alam kung ano ang kanyang gagawin.

Si Julius ang anak anakan ng Mommy ni Heavenia ang bumuhat kay Heavenia papuntang kotse, kasama naman ni Heavenia si Rhen sa backseat at si Xyron ang nagdadrive.

"Balak mo ba kaming patayin ha?!" Sigaw ni Heavenia sa asawa nito dahil sa Hindi maayos ang pagpapatakbo nito sasinasakyan nila.

"Kung gusto mong magpakamatay Xyron ay mag-isa mo na lang! Huminahon ka nga! Hindi Ikaw ang manganganak ang kapatid ko ang manganganak!" Sigaw naman ni Rhen sa kanyang bayaw.

Ligtas silang nakarating sa Hospital at pagdating na pagdating duon ay tila isang baliw si Xyron habang nagsisigaw.

"Doc! Doc! Where's the doctor?! Manganganak ang asawa ko! Nasaan ang doctor!" Sigaw pa nito kaya agad namang lumapit ang doctor.

"Ano po ang maipaglilingkod ko?" Tanong ng babaeng doctor.

"Huwag ka nang magtanong pa! Manganganak itong asawa ko! " tarantang sabi pa ni Xyron.

"Ma'am huminahon po kayo, huminga po kayo ng malalim" pagpapakalma naman ng Doctor kay Heavenia.

"Huwag ako ang pakalmahin nyo, yang si Xyron ang pakalmahin nyo dahil mukhang sya ang manganganak!"

"Nurse! Dalhin na ito duon sa Emergency Room" sabi pa nung Doctor pero umiling si Heavenia.

"Hindi ako manganganak hanggat Hindi mo naibibigay sa akin ang ipinangako mong Tom and Jerry Guitar Xyron!" Sabi naman ni Heavenia kaya mas lalong nataranta si Xyron.

"Ano ba kayo? Manganak kana nga lang Heavenia! Huwag mong sinasayang ang oras ni Doctora" sabi naman ng kapatid nitong si Rhen.

"Nasa bahay ang gitara Mahal ko" sabi naman ni Xyron.

"Hindi ako manganganak hanggat Hindi ko ito nahahawakan!" Pagmamatigas pa ng ulo ni Heavenia.

"Manganganak ka o ako mismo ang magpapaanak sayo?" Pagbabanta pa ni Rhen sa kapatid kaya wala na itong nagawa, ipinasok na sya sa loob at ilang sandali pa ay lumabas ang doctor na nagpaanak sa kanya.

"Kumusta ang asawa ko? Yung baby nakalabas ba ng maayos?" Alalang alala na tanong ni Xyron pero umiling ang Doctor kaya mas lalong kinabahan si Xyron.

"Anong ibig nyong sabihin?" Dagdag na tanong pa nito.

"Wala namang masamang nangyari, ayos naman ang lahat at isang malusog na batang babae ang ipinanganak ng asawa nyo" naka ngiting sabi nang doctor ng bigla bigla syang kotongan ni Xyron.

"Aray!''

"G*go ka, ang dami mong drama, alam mo namang kanina pa ako natataranta dito at may pailing iling ka pang nalalaman, papaano kung negative ang pumasok sa isip ko at na depressed ako? Eh di kargo mo na ako pag nagkaganong tumalon ako sa building na ito"

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now