Chapter 62

1.6K 77 2
                                    

[Kabanata 62]

Xyron Jin's P.O.V

Nakaupo ako sa gilid nang kama ni Veronica, ilang gabi na din syang Hindi nakakatulog nang maayos dahil  sa mga nangyayari at nakukuha naming Death Threath.

Hindi namin alam kung saan nanggagaling ang mga Death Threats at kung ano ba talaga ang pinagmulan nito.

"Bumalik kana sa kwarto mo, I can sleep naman" sabi nito habang nakatalikod sa akin.

"Hihintayin muna kitang makatulog bago ako bumalik sa kwarto ko"

"Ikaw ang bahala" sabi nito.

Sa kabila nang mga pangyayaring ito ay hindi ko maiwasang makaramdam nang saya lalo na sa tuwing naaalala ko ang pagpunta dito ni Heavenia nung isang araw.

Flashback

Nang makauwi ako, agad akong pumunta sa bahay namin dati ni Heavenia, Duon parin ako natutulog sa kwarto kong iyon dati, ang kwarto naman ni Heavenia ay nandun pa rin. Dinahilan ko lang na ginawa na itong bodega dahil gustong ipagiba nang pamilya ni Veronica ang bahay.

Hindi alam nang pamilya nito na Hindi kami nagsasama sa iisang kwarto. Pareho naming ginusto ni Veronica ang magkanya kanya nang kwarto nang Hindi kami magka-ilangan.

Nagsa-shower ako nun nang marinig ko ang pagbukas nang pinto nang kwarto ko, nagpanggap akong Hindi iyon narinig upang Hindi ako matunugan nang pangahas na iyon.

Nakapagtataka din na may nakapasok dito dahil ako lang ang nakakaalam nang code nang pintuan. Pinalitan ko kasi ito, araw nang kasal namin ni Heavenia ang ipinalit kong mga numero.

Dahan-dahan aking Lumabas sa shower room, Hindi ko na ito pinatay pa dahil alam ko na kapag pinatay ko ito ay paniguradong malalaman nang pumasok dito na lumabas na ako sa shower kaya hinayaan kona lang itong gumana.

Kinuha ko ang towel ko tsaka ko ito ipinambalot sa ibabang bahagi nang katawan ko, Hindi na ako nag tsinelas pa dahil naiisip ko na baka marinig nito ang aking mga yapak.

Nagdahan dahan akong maglakad papuntang kwarto ni Heavenia, sigurado naman akong pumasok sya duon dahil narinig ko ang pagbukas nang pintuan nito. Iisa lang ang CR at shower room nang kwarto ko at kwarto ni Heavenia at ito ang nagdurugtong sa kwarto kaya naman ay malinaw ko itong narinig.

Dahan dahan ko ding pinihit ang door knob, at binuksan ang pinto, nang magkatitigan kami ay pareho kaming nagulat nang makita namin ang isat isa.

"W-Woi, Wag kang mag-isip nang kung anu-ano dyan ha, Hindi ako magnanakaw at Wala akong balak na magnakaw" sabi nito at halata ang kaba sa kanyang boses.

"P-promise w-wala talaga akong ninanakaw at tsaka ito? Oo ito! Ibabalik ko din naman eh" sabay pakita nya sa blue teddy bear.

"So, What are you doing here in my house?" Tanong ko sa kanya.

"May hinahanap lang naman kasi ako, gustong gusto kona kasing makaalala! Sumasakit na ang utak ko kakaisip eh! You know I hate curiosity, I think Curiosity drives me crazy! You know that ha? Do you?"

"Eh bakit sa bahay ko? I mean bakit dito ka naghahanap nang ala-ala?"

"Eh saan ba pwede? Wala nga kong maalala diba? At tsaka sinabi ni Liyah na sa palasyo nyo daw ako nakatira dati kaya nagbakasakali ako na baka kapag pumunta ako dito ay may maalala ako"

"Is that so?"

"Yes... Eh teka? Bakit ka ba tanong nang tanong? Kanina ka pa tanong nang tanong eh, reporter ka ha? At tsaka bakit ba ako nagpapaliwanag? If ever naman ay Pwede kong kunin ang mga gamit dito dahil nakasisiguro akong akin toh eh, look! May pangalan ako dyan oh! Pakibasa, HEAVENIA'S THINGS kaya may karapatan akong kunin ang kung ano man ang gusto kong kunin, akin din naman pala eh" natawa ako sa inasal nyang iyon.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now