Chapter 70

1.8K 87 13
                                    

[Kabanata 70]

Speid's P.O.V

Lahat kami ngayon dito ay nakatali, Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero Hostage kami ngayon dito sa sarili naming palasyo.

"Pakawalan mo kami dito!" Sigaw ni Daddy sa taong nakasuot ngayon nang maskara, Hindi ko sya nakikilala sapagkat natatakpan ang mukha nito.

"Ano ba ang kailangan mo sa amin? Pakiusap pakawalan mo na kami" pakikiusap naman ni Mommy, ngunit ang taong nakamaskara ay hindi nagsalita.

Ilang sandali pa lamang ay may ipinasok ang mga tauhan nito na lalaki at babae, Ang Daddy ni Julius at ang Mommy nito, nakilala kona ito nung nasa Japan pa ako. Anong kailangan nila sa parents ni Julius? Bakit sila nadamay dito?

Wala silang malay na dalawa, dinala naman nang tauhan nito ang Mommy ni Julius sa isang sulok kung saan mahirap itong mahagilap nang mga mata o di kaya naman ay makita.

Kahit nahihirapan ay nagpapasalamat pa din ako dahil konti lamang kaming na hostage dito, Ang Pamilya Sullivan, Baltazar, Santiago, Si Zhad at Hinx kasama na din ang mga kasambahay namin at ang mga Guards ay Wala na ding malay.

"Ano ba ang kailangan nyo sa amin?!" Pasigaw na tanong ni Liyah, nag-aalab ngayon ang mga mata nyang nakatitig sa taong naka maskara.

Napalingon ako kay Xyron at Veronica ngayon na magkasamang nakatali, Hindi sila umiimik at mukhang hinihintay lamang ang hatol nang taong ito sa kanila.

Hindi ko inaasahang mangyayari ito, sana man lang ay nakapag-ingat kami at Wala sana kami sa ganitong sitwasyon.

Flashback

Nakaupo lamang ako sa akin kwarto nang pumasok si Liyah, Zhad, Normainie at Hinx. Hindi ko alam kung bakit sila naririto kaya naman ay agad ko silang tinanong.

"What are you all doing here?" I asked.

"Are you kidding us Speid?" Tanong naman ni Liyah na ikinakunot nang nuo ko.

"No" sagot ko naman.

"You just texted us na pumunta kami ngayon dito, Pati pamilya nga namin Pina punta dito nang Lolo mo" sabi naman ni Normainie.

"Wala akong alam dyan, at tsaka Hindi ako nag text sa inyo na puntahan nyo ako dito" sagot ko kaya naman ay nagkatinginan silang lahat, kinuha nila ang kanikanilang phone at ipinakita sa akin ang messages na pare-pareho nilang natanggap.

"Hindi ako nag message sa inyo, if you want a proof just check my phone" inabot ko sa kanila ang phone ko at Wala din naman silang nakita.

"Kung Hindi ikaw eh sino?" Tanong naman ni Hinx. Nakaramdam ako nang kaba kaya agad akong tumayo at sinabihan silang mag stay muna sa kwarto at nang akmang lalabas na ako ay saktong may nag spray at nang maamoy ko iyon ay nahilo na lang ako bigla at nawalan na ako nang malay at nang magising ako ay nakatali na kaming lahat.

End of Flashback

Kahapon pa kaming nakatali dito at Hindi pa kami pinapakain o pinapainom man lang at alam kong hinang hina na ang mga magulang namin dahil nababakas ito sa kani-kanilang mga mukha.

Maging ako man ay nakakaramdam na din nang panghihina at pagkahilo, Hindi pa gaanong magaling ang sugat ko pero Hindi kona ito iniinda pa.

"Ano ba ang kailangan mo sa pamilya ko ha?!" Sigaw ni Lolo. Nilingon naman sya nang nakamaskara.

"Naniningil ako" sagot nito, nakakapangilabot ang tono nang kanyang boses.

"Do you want money? I, I can give it to you! How much do you want? I'll give it to you, Just let my family go please" pagmamakaawa pa ni Lolo, natawa naman nang pabalang ang nakamaskara.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now