Chapter 69

1.6K 79 17
                                    

[Kabanata 69]

Heavenia's P.O.V

Kasalukuyan akong nasa training room, tinuturuan kasi ako nang isa sa pinaka magaling sa martial arts dito sa Japan, Si Toshiro Watanabe.

May edad na din ito at masasabi ko talagang isa syang magaling dahil the way he teaches me is so awesome. Ilang araw na din nya akong tinuturuan at tinatry out na nya kung ano na ba ang natutunan ko sa ilang araw na pagtuturo nya.

"Junbi wa dekita ka?" (Japanese word:
準備はできたか?means in English: Are you ready?) Tanong nito sa akin.

"Hai!" (Japanese word: はい in English: Yes!) Sagot ko.

Nagulat ako nang sipain nya ako ngunit nailagan ko naman ito kaagad. Hindi ko inisip na seryoso pala sya sa pagkakataong ito.

Naging determinado ako, huminga ako nang malalim at marahan kong ipinikit ang aking mga mata, pinakiramdaman ko kung saan nya ako muling patatamaan.

Nakailag naman ako nang akmang susuntukin nya ako sa may tiyan ko, pagkatapos ay inambahan ko sya nang sipa sa tagiliran at sapul.

Hindi man lang sya nasaktan sa ginawa kong iyon, nagpo-focus na talaga sya. Muli ay inambahan ko sya nang sipa at suntok na sya naman nyang nailagan.

Ang galing naman talaga nang matandang ito! Napatalon pa ako nang sunod sunod nya akong ambahan nang sipa, umiwas ako nang umiwas hanggang sa mapadpad kami sa sulok nang training room.

Wala na akong mapupuntahan pa, nang akmang susuntukin nya ang ulo ko ay agad akong napayuko at tumama ang kamay nya sa Pader. Ouch! Masakit ba?

Sisipain na din sana nya ako ngunit agad kong ginamit ang aking mga braso upang maging panangga sa kanyang sipa, pakiramdam ko tuloy ay parang pinutol ang aking mga braso.

Nagpagulong gulong ako mula sa pagitan nang kanyang hita at sa wakas ay Wala na ako sa corner. Hinugot ko ang buong lakas ko upang sipain sya at Hindi naman nya iyon nailagan.

Natumba sya at ako naman ay napahawak sa aking mga paa. Kahit ang mga paa ko ay nakaramdam nang sakit dahil parang isang katawan na bakal ang aking sinipa.

"Watashitachi wa ima yasumubekida to omoimasu" (Japanese Word:私たちは今休むべきだと思います means in English: I think we should rest now) sabi nito, tumango naman ako at pumunta ako sa gilid at kinuha ko ang phone ko. Agad kong idinial ang phone number ni Speid at tinawagan ito. Ilang beses ko itong dinial pero Walang sumasagot.

Naiinip na ako, kaya naman si Liyah ang tinawagan ko pero Wala pa din, sinubukan ko ding tawagan si Normainie pero gaya nang phone nina Speid at Liyah ay Wala ring sumasagot. Wala pa naman ding number sa akin si Zhad o maging si Hinx.

Naalala kong may contact number pala sa akin Si Yron kaya agad ko syang tinawagan. Nakaka ilang ring pa lang ay sinagot na nya ito.

"Hello?" Sabi nito sa kabilang linya.

"Yron ako ito si Hellena I mean Heavenia, nasaan ka ngayon?"

"Ah ikaw pala yan, nasa Canada ako ngayon, may project Photography kasi ako dito, Bakit pala?"

"Eh Hindi ko kasi ma contact sina Speid, Liyah at Normainie eh, kahapon pa ito kaya akala ko nasa palasyo ka ngayon nang mga Sullivan"

"Wala nang dahilan para pumunta ako dun, Hindi na din kabilang sa Elders ang parents ko dahil nag retiro na sila dalawang taon na ang nakalilipas"

"Ganun ba, may number ka ba dyan ni Zhad or ni Hinx?"

"Wala din eh pasensya na"

"Ah Sige Wala yun"

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now