Chapter 38

2K 101 7
                                    

[Kabanata 38]

Heavenia P.O.V

"Ok kana ba?" Napatitig ako nang diretso kay Faster sa tanong nyang iyon.

"Syempre naman! Ako pa?" Sagot ko sa kanya. Huminga sya nang malalim at tinanaw ang malawak na karagatan.

"Bakit ka nga pala nag-iisa dito sa gilid nang dalampasigan?" Pagtatanong nya ulit. Ang tsismoso naman yata nang taong toh. Tanong nang Tanong, reporter ka? Taga MMDA ka?

"May kasama naman ako ah"

"Ha? Sino?"

"Bakit hindi ka ba tao? Invisible ka ba? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo?" Pagtatanong ko sa kanya. Siguro hindi nya ikinu konsidera ang sarili na isang tao, kawawa naman si Faster.

"Ah, oo nga ako pala ang kasama mo"

"Ah Hindi, hindi ikaw ang kasama ko tch!" Pabalang kong sabi.

"Haha"

"Oh? Tinatawa tawa mo dyan?"

"Wala naman" luhh? Nababaliw na yata sya, tumatawa nang walang dahilan? Ang babaw naman.

"Ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Hinahanap ko lang kasi yung tsinelas ko, nasa iyo pala" tinignan ko ang paa ko at tama nga sya! Hindi ito yung tsinelas ko! Nakakahiya naman.

"Sayo pala toh? Oh, ayan na sinosoli kona akala ko kasi sa akin eh, magkakulay kasi" ibinigay ko sa kanya yung tsinelas nya at ibinigay naman nya yung tsinelas ko. Nagkapalit pala kami ng tsinelas.

"So ano nga?" Tanong nito.

"Anong ano nga? Uunga?"

"Bakit ka kako nag-iisa dito kanina nang hindi pa ako dumadating?"

"Ganyan! Ganyan dapat ang pagtatanong, Yung tatapusin hindi yung puputulin"

"So bakit nga?"

"Nag-iisa ako kasi Wala akong kasama" sagot ko dahilan ng pagtampal nya sa nuo nya. Kinakagat siguro sya nang lamok sa nuo.

"Anong dahilan bakit Wala kang kasama?" Ang dami naman yata nyang tanong.

"Kasi nag-iisa ako"

"Tama nga si Jin,ang hirap mong kausap" aba! Akalain mo? Nagawa pa akong I tsismis nang lalaking yun? Hanep talaga!

"Hindi naman ako mahirap na kausap, kayo lang talaga ang hindi nakakaintindi sa akin"

"Siguro?" Aba! Hindi pa sya sigurado? Eh sila lang naman nang pinsan nyang hambog ang hindi nakaka intindi sa mga pinagsasasabi ko!

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Muli ay tanong nya. Ngayon alam ko na! Minsan ay kailangan kong dumistansya sa taong ito dahil ang dami nyang tanong!

"Nakaupo"

"Ah" ah? Nga nga?

"Sige na, bumalik kana dun at gusto kong mapag-isa" sabi ko pa.

"Bakit?"

"Eh sa gusto kong mapag-isa eh may problema ba dun?"

"Wala naman"

"Wala naman pala eh kaya kung pu-pwede po? Maaari po muna ba akong mapag-isa dito?"

"Sige"

"Eh bakit ka pa nandito? Ang gulo mo namang kausap"

"Isipin mo na lang na Wala ako dito o di kaya naman ay invisible ako"

"Ngii? Pwede ba yun?"

"Pwede naman kung gagawin mo lang"

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now