Chapter 12

2.7K 118 0
                                    

[Kabanata 12]

Veronica's P.O.V

Sabi nga nila Love is the most powerful weapon in the world. Naniniwala naman ako sa kasabihang yun, Hindi dahil sa nagagamit ko ang aking pag-ibig upang saktan at maging sandata sa isang laban. Ginagamit ko ang aking pagmamahal upang maging matapang, Maging malakas at higit sa lahat upang ipagpatuloy ang buhay at tanggapin ang kasawiang palad ko ukol sa pag-ibig.

Bata pa lang ako nang makilala ko si Xyron, napakagaan ng loob ko sa kanya dahil masyado syang mabait sa akin at ramdam kong mahalaga ako sa kanya. Sya lang ang Taong pinaka pinagkakatiwalaan ko, Ni Minsan Hindi sya nagsinungaling sa akin.

Grade 6 ako nung magka Crush ako sa kanya, masayang masaya naman ako nung Nag High School kami dahil nagtapat sya sa akin, hinayaan ko syang manligaw to express his feelings for me at Hindi naman ako nabigo dahil alam kong totoo ang nararamdaman nya sa akin.

Until that day, Ang Araw kung saan ipinakilala na sa buong Bitterland ang magiging Crown Princess. Nung Araw na yun sana ko balak sagutin si Xyron. Inaasahan ng pamilya ko at maging ako, na ako ang Tatanghaling Crown Princess dahil salinlahi na talaga ang ipakasal ang Crown Prince sa Anak ng may pinakamataas na katungkulan na Opisyal sa Palasyo which is ang Anak ng Punong Ministro.

Kasabay nang Pagtawag sa magiging Crown Princess ang pagbagsak ng Luha ko at pagbagsak ng pangarap kong makasama ang lalaking pinapangarap ko.

Now I'm standing here, wala akong magawa upang pigilan ang kasalang Ito. Nakatanaw mula sa malayo at tinitignang ikasal ang lalaking Dapat sana sa akin ipapakasal.

My tears Starting to fall, not a tears of joy but a tears of a broken Heart, I don't know if I can do move-on lalo na sa mga masasayang pinagsamahan namin. Sa tingin ko ay mababaon na lang sa isang ala-ala ang mga masasaya naming moments.

They're Now changing vows at yun ang Hindi ko kayang masaksihan. Agad akong tumakbo papalabas ng simbahan, nagpunta ako sa Kotse ko at napahawak pa ako sa dibdib ko.

Napakasakit sa akin na Ako yung pinangakuan ng kasal pero sa iba natupad. Ibinuhos kona lang ang Iyak ko sa kawalan. Hindi man naging official Boyfriend at Girlfriend kami pero atleast minahal namin ang isat isa.

Hapon na nang makauwi ako sa amin pero walang Tao, nagtaka ako kung bakit walang katao tao sa bahay. I opened my phone at Nakita ko ang sunod sunod na message ng pamilya ko, Magpapa Party daw after wedding Sa Palasyo ng mga 6 o'clock. Inaasahan kong ni isang text ay magtext si Xyron pero ni isa wala, Wala syang message para sa akin. Nasaktan ako sa part na yun pero kailangan kong pumunta duon dahil pangako ko yun sa kanya.

Agad akong nagpalit at nagsuot ng Black Dress. Nagmaneho ako papuntang palasyo, nang makarating ako sa Palasyo ay agad akong tumakbo papasok.

Masakit makita na nagsasayaw ang lalaking Mahal mo at ang kanyang napangasawa kahit na alam kong ayaw nya ding magpakasal dito, nakatanaw lang ako sa kanya nang bigla silang huminto, nagulat ako nang tumingin sa akin si Xyron at agad na bumitaw kay Heveania, lumapit sya sa akin at Hindi ko alam ang aking gagawin.

"Veronica?" Pagtawag nya sa akin.

"Mahal na Prinsipe" Nag vow ako sa kanya tanda ng aking paggalang.

"Stop doing that, You don't have to do that Veronica" Napangiti na lang ako nang Hawakan nya ang magkabilang braso ko, He's still concerned At me.

"Ano ka ba Naman masyado kang big deal, I'm just showing my respect and politeness to you My Crown Prince" ngumiti ito sa akin dahilan para mapaluha ako.

"Are you crying?" Halata sa tono ng boses nito na nag-aalala sya sa akin.

"H-Hindi ah, ano lang kasi... ahmm Masyado akong nagmadali papunta dito kaya Malakas ang hangin nalimuta ko kasing isara ang bintana ng Kotse ko" Nakita kong Hindi sya na satisfied sa sinabi ko kaya ngumiti ako.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now