Chapter 26

2.3K 107 11
                                    

[Kabanata 25]

Heavenia's P.O.V

"Oh My Gosh! Aleluja! Ang dami! Wahhh" napapatalon pa ako habang pinagmamasdan ngayon ang mga gamit na paboritong paborito ko sa lahat.

"Stay away from my stuff" agad namang napawi ang aking saya nang marinig ko ang boses ng hinayupak na yun! Si Xyron the monkey! Ngayon naniniwala na ako na sa kabila ng saya may kapalit na lungkot o pagka inis. Awatin nyo ako at titirisin ko ang Taong toh!

"Ah hehe sayo pala ito"

"Ah Hindi"

"Hindi sayo? Kanino? Para sa akin ba? Wahhhh thank you!"

"Tayo lang naman ang nakatira sa bahay na ito, Hindi naman ikaw ang bumili nyan Hindi ba? Kaya ibig sabihin lang nun ay akin ang mga gamit na yan" hayst akala ko pa naman akin yun eh. Sayang naman yung sandamakmak na Tom and Jerry na yun.

"Teka nga! Binili mo ba ang lahat ng Tom and Jerry stuff sa Mall?!" Dahil kung tama ang hinala ko sya yung tinutukoy nung babae na weird na lalaki na umubos ng Tom and Jerry nila sa Mall!

"There's a lot of Malls kaya Hindi ko alam kung saang mall ba yang sinasabi mo" Aba! Magdedeny ka pa ha!

"Sabihin mo na kasi! I deserved the truth! I deserved an Explanation!" Wow? Napapa English ang Prinsesa nyo! Deserve ko talagang maging best actress this year!

"Why would I explain myself?" Aba! Mukhang iniirita mo na talaga akong Monkey Dutch ka ha?

"Because I'm your wife and I have those right para malaman ang buong katotohanan!" Wag kayong ano ha sa pelikula ko lang toh napapanuod. Yung TV naming ibinenta ni Papa. Dun ko ito napanuod. Kailangan lang awayin nung babaeng asawa ang lalaking asawa para ibigay ang mga kailangan nito. Lagot ka ngayon! Huli ka balbon!

"And so what if I'm your husband?" Mapang-inis nyang tanong

"Your my husband and that's all!" Sa kalagitnaan ng aming pagtatalo bigla namang sumingit ang isang Maid.

"Mahal na Prinsipe at Prinsesa handa na po ang Hapunan" nairita na naman ako ng todo todo. Bakit yung kay Xyron merong Mahal? Eh bakit yung sa akin Wala? Mura ba ako? Asaan yung hustisya duon?

"You shut up! Wag kang sisingit sa away mag-asawa! Bumalik kana lang duon sa dinning area at kumain kana lang. Paki imbitahan na din yung Iba at kainin nyo na ang lahat ng hinanda duon. Wag kayong magtitira ha? Ubusin nyo" sabi ko pa at agad namang napatango ang babae at tumakbo na paalis.

"Eh ano naman kung binili ko lahat ng Tom and Jerry stuff sa Mall? Or should I say sa lahat ng Mall? May magagawa ka ba?" Iniinis talaga ako ng hinayupak na kumag na mukhang unggoy na toh!

"Ang saken lang naman kasi Bakit mo inubos?" Ngunguso nguso kong tanong.

"May pera ako eh may magagawa is ba?"

"Oo na ikaw na ang mapera at mayaman, eh di wow na lang sayo eh noh? Tss Sige lang Sige lang magpakasaya kana lang dyan ha?  At tsaka yan!" Sabay bato ko sa pasalubong ko sa kanya at sapul sa pagmumukha nya.

"What the hell is this?!"

"Bulag ka ba? Pagkain yan, pasalubong ko yan sayo dahil Hindi ka namin pinasama sa Food trip kanina" Hindi yan peace offering ah? Nakokonsensya lang ako dahil matakaw pa naman sya sa street foods at Hindi ko sya pinasama dahil sa masamang panaginip kong iyon . And speaking of my dreams Hindi nya ako binigyan ng Tom and Jerry stuff and ito na nga ang nangyayari ngayon.

"Nag-abala ka pa"

"Alam ko namang abala ka lang sa akin eh kaya lang mukha ka namang kawawa kung Hindi kita ibibili ng regalo"

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now