Chapter 48

1.9K 98 59
                                    

[Kabanata 48]

Speid's P.O.V

Gumising ako nang maaga dahil excited akong malibot ang buong isla. Sisimulan ko sa mga magagandang tourist spot nang isla at ihuhuli ko ang maliit na bayan na sinasabi ni Tristan.

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon bro" komento pa ni Tristan.

"Oo nga po boss, kanina ko din pong nahahalata yan" pagsang-ayon ni Jack.

"Ano na naman ba yang sinasabi nyo? Wag nyo nga akong pag tripan"

"Kanina ka pa kasi nakangiti na parang ewan, may nangyari bang maganda ha?" Pagtatanong ni Tristan kaya naman natawa ako sa ka tsismosohan nya. Naaalala ko sa kanya si Zhad na sobrang tsismoso.

"Ano boss? Dinalaw ka ba nya sa panaginip kaya todo ang ngiti mo ngayong umaga?" Panunuya ni Jack.

"Hindi ba pwedeng masaya lang ako dahil magagandang tanawin ang makikita ko ngayong araw?"

"Umamin kana kasi eh, dumalaw sya sa pantasya mo noh?" Pamimilit ni Tristan kaya naman napailing iling na lang ako. Ano bang pinag-iisip nang dalawang toh. Mukha ngang sila itong maganda ang gising eh.

"Wala nga kasi akong aaminin, I'm just excited to see those beautiful places here in Jogi Island at pakiramdam ko may mangyayaring maganda sa araw na ito yun lang" pagpapaliwanag ko.

"Eh bakit iba yata ang ngiti mong yan?" Nakakalokong tumingin sa akin si Tristan saka nya ako sinenyasan na may chix daw sa dalampasigan. Hindi ako tumingin sa tinuturo nyang direksyon dahil wala akong oras para sa mga ganyang bagay.

"Gusto nyo nang explanation kung bakit maganda ang gising ko? At gwapo pa rin ako gumising ngayong umaga?"

"Yes Boss" sagot ni Jack.

"Kailan ka pa naging gwapo bro?"

"Inggit ka lang Tristan dahil mas lapitin ako nang babae" panunuya ko sa kanya.

"Lapitin nga pero Hindi mo naman sila gusto, tatanda kang binata bro haha"

"May nagmamay-ari na nang puso ko, hindi na magbabago pa iyon Tristan"

"Bro naman, You have to move on, Malay mo Hindi nya gusto ang ginagawa mong iyan sa sarili mo, baka bukas Hindi kana magising nyan, eh di tapos na maliligayang araw mo"

"Basta, Nagpapasalamat ako araw araw tuwing ako ay nagigising dahil binibigyan pa tayo nang pagkakataong mamuhay, bawat araw ay mahalaga alam nyo yun? Hindi natin alam kung kailan natin lilisanin ang mundo, Wala din tayong mapapala kung paggising na paggising natin ay nakasimangot tayo, dapat pagkagising na pagkagising natin sa umaga ay bungad nito ang ating pagngiti kahit marami tayong problemang hinaharap o kakaharapin pa" Masyado yatang mahaba ang sinabi ko dahil nakanganga na ngayon ang dalawa.

"Boss kailan ka pa naging makata?" Halos Hindi makapaniwalang tanong ni Jack.

"Bro? Yan na ba ang natutunan nang isang taong paghihiwalay natin nang landas? Saan mo natutunan ang pagiging matalinhaga?" Manghang tanong naman ni Tristan.

"Ano ba kayo? Mga Gag*ng toh!"

"I'm so proud of you Boss!"

"Ako din!"

"Tsk, mga Mokong na toh, Tristan akala ko ba ito-tour mo kami?"

"Syempre naman!"

Nagsimula na kaming maglakad lakad, una naming pinuntahan yung tinatawag nilang Crusade Cave.

Maganda ang loob nung kweba, Walang mga paniki at mukhang araw araw nila itong nililinis dahil wala man lang ni Sapot nang gagamba ang nakalambitin.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now