Chapter 10

3.3K 131 23
                                    

[Kabanata 10]

Heavenia's P.O.V

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata, Agad din akong napabangon nang maramdaman kong nakahiga na ako sa isang malambot na higaan.

Nasa Crest Palace na ako ulit? Paanong nangyari yun eh nasa gubat lang ako kanina? Lumipad ba ang katawan ko mula roon hanggang Dito? Pero paano? Imposible naman yata ang iniisip kong yun.

"You're awake" Bigla tuloy akong nainis nang marinig ko ang boses na nagmumula sa Pintuan. Parang ayoko na yatang lumingon sa Kinaroroonan nya.

"What's your problem ba? Bakit umalis ka dito at nagpunta kung saan saan?" Kinikilabutan ako sa tono ng pananalita nya. Bakit ba sya ganyan? Ano nagagalit ba sya dahil Hindi ko sya isinama?

"Alam mo bang kamuntikan nang mahimatay Yung tagapangalaga mong si Karen? Bakit ba kasi Ang lakas ng topak mo!" Sa pagkakataong iyon ay sumigaw na sya, natatakot ako sa kanya, parang sinapian sya ng masamang Espiritu.

"N-na curious lang naman kasi ako eh may nakita kasi akong Passage kaya pumasok ako dun, Tapos hinabol ko yung Rabbit, Alam mo yun? Yung malaki ang tenga parang ganito oh tapos..."

"Shut Up!" Nagulat ako ng Sumigaw sya kasabay nang pagsuntok nya sa Pintuan. Oh ano nasaktan ka noh? Sino ba naman kasing bobo na susuntukin ang pintuan eh wala namang ginagawa sa kanya?

"You are Crazy! Bakit ba kasi tatanga tanga ka?!" Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinuputok ng budhi ng hinayupak na toh kung Bakit sya nagkakaganyan ay Hindi ko alam.

"Alam mo bang nang dahil dyan sa katangahan mo... F*ck!" Aba! Nilulubos na nya ang pagtawag nya sa akin ng Tanga ah Sumusobra na sya!

"Huh! Tanga na kung Tanga Pero ang gusto ko lang naman ay makalayo sa hinayupak na tulad mo! Nang dahil sayo, ah Hindi, nang dahil sa galit ko sayo napadpad ako sa Lugar na yun!" Sya lang ba yung may karapatang sumigaw? Huh! Anong akala nya sa sarili nya boss? Tae ka Xyron Tae ka!

"Ang sabihin mo nang dahil sa katangahan mo ay napunta ka dun!" Tumayo ako dahil sa inis at Sinuntok ko sya ng pagkalakas lakas.

"F*cking Sh*t Argh! You! Wild Animal! You're Insane!" Iniwan ko syang namimilipit sa sakit hahaha tinamaan ko kasi yung ano nya basta yun na yun. Ang balak ko kasing suntukin is yung tyan nya pero umatras sya at sa ano nya tumama kaya ayun Sapul! Bago ako umalis ay may sinabi muna ako sa kanya na sadyang ikinapula ng mukha nya sa galit.

Pinuntahan ko yung tatlong babae at sinabihan ko silang kung pwede ay pakidalhan nila ako ng pagkain sa Garden. Hindi ko alam kung Ilang oras ako nawalan ng Malay.Umupo ako sa makapal na Bermuda.

"A-aray" Sumakit bigla ang braso ko yung brasong ipinansuntok ko kanina sa Hinayupak na Xyron na yun. Nang tinignan ko ang braso ko tsaka ko na lang narealize na may sugat ako sa braso nang makita ko ang braso kong ngayon ay nakabalot na ng bandage.

"Saan ko naman nakuha ang Sugat na toh?" Huminga ako nang malalim at inisip ko kung saan ako nakakuha ng sugat. Malaki ding palaisipan sa akin kung paano ako nakabalik dito at kung Sino ang nagbalik sa akin dito. Hindi naman pwedeng naglakad ako habang walang Malay Hindi ba? O di kaya naman ay lumipad ang katawan ko patungo dito.

"Paano ba kasi yun!" Napakamot na lang ako sa ulo ko nang Hindi ko maalala kung ano ang nangyari sa akin kanina. Dumating ang Tatlong babae na may dalang pagkain at Tela.

"Ito na po Ang iniutos nyo Mahal na Prinsesa" Masyadong magalang yung babaeng nasa gitna. Bakit ba ganyan sya makitungo sa akin? Ako sya pa nga mas matanda sa akin.

"Ano po ba ang gagawin namin dito" tanong nung babaeng nasa gitna at ipinakita ang Isang tela.

"Magpi-Picnic tayo dito!" Masayang sabi ko. Kinuha ko agad ang tela at pagkain.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now