Chapter 63

1.7K 93 27
                                    

[Kabanata 63]

Heavenia's P.O.V

Naalimpungatan ako nang makarinig ako nang sigaw, naramdaman ko din ang malamig na likido na ibinuhos sa aking katawan.

"Don't you dare lay a single finger with her! I'll kill you!" Sigaw pa nito. Medyo nahihilo pa ako at blurred ang paligid.

Balak kong tumayo pero Hindi ako makatayo, napagtanto ko na lang na nakaupo ako sa isang bangko at ako ay nakatali. Muling bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon.

Flashback

Galing ako sa Apartment ni Speid, naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya naman ay minadali ko ang aking pag-uwi.

Nang makauwi ako ay nakita ko si Claude na hawak ang kanyang phone habang may kinakausap sa kabilang linya, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Heavenia!" Napasigaw ito na sadyang ikinagulat ko. Nakita ko namang nakipaglaban sila ni Julius sa mga lalaking nakasuot nang itim. May isa namang humawak sa akin at tinakpan ang aking ilong nang panyo.

May naamoy ako sa panyo na iyon dahilan upang makaramdam ako nang hilo, naramdaman ko pang binuhat ako at isinakay sa sasakyan at duon na ako nawalan nang malay.

End of Flashback

Buhay nga naman oh! Sino na naman kaya ang mga hinayupak ang dumukot sa akin? Pag ako Hindi nakapag timpi mata nila ang dudukutin ko!

Muli ay nakaramdam ako nang malamig na likido na ibinuhos sa akin. Putspa! Ayaw nyong tumigil kabubuhos sa akin nang tubig na mukhang hinaluan nyo nang yelo?

"Stop it!" Rinig kong sigaw nang isang pamilyar na boses. Nahimasmasan ako nang marinig ko ang boses nyang iyon. Umiling iling pa ako dahil malabo ang mga mata ko, ilang beses din akong nagpikit-dilat.

Nang maayos na ang aking paningin ay inilibot ko ang aking paningin sa lugar na kinalalagyan ko ngayon. Anong lugar ba ito?

"Papatayin ko kayo kapag sinaktan nyo sya!" Hinanap nang mga mata ko kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses na iyon. Speid? Pati ba naman si Speid ay dinukot din?

"Speid!" Sigaw ko pero Wala akong marinig na sigaw na mula sa labi ko. Pipe na ba ako? Bakit Hindi ako makasigaw? Pinakiramdaman ko naman ang bibig ko, may scathtape pala ang bibig ko kaya Hindi ako makasigaw.

Nakita ko namang lumapit sa akin ang dalawang pangit na malalaking lalaki, mukha silang Gorilla dahil sa postura at kulay nang mga balat nito, nakakatakot ang mga pagmumukha nila na para bang gustong kumain nang buhay na tao.

Papalapit sila nang papalapit sa akin, sila siguro ang dahilan kung bakit ako nagising sa mahimbing kong tulog, mukhang sila ang bumuhos sa akin nang dalawang balde nang malamig na tubig. Kung kayo kaya ang buhusan ko nang malamig na tubig ha? Mga Hinayupak na ito nanggigising.

Muli ay napatingin ako kay Speid na tulad ko ay nakatali din. Nakahandusay sya sa sahig, nagulat pa ako nang makita ko sa tabi nito ang walang malay na si Veronica na nakatali din.

Anong nangyayari? Bakit may ganitong eksena sa buhay ko? Nananaginip ba ako? Kasi kong Oo pakiusap naman gisingin nyo ako, ayokong makakita nang mga ganitong scenario.

"Anong gagawin natin sa babaeng ito?" Napatingin naman ako sa dalawang lalaki ngayon na nag-uusap.

"Ang sabi ni Boss, Pahirapan daw natin sya, gusto nyang kunan natin ito nang video habang umiiyak at sumisigaw, yun ang kagustuhan ni Boss" Sabi nung lalaking mas matangkad at mas malaki ang katawan.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now