Chapter 1

9.7K 264 21
                                    

[Kabanata 1]

Heveania's P.O.V

Tumunog na ang school bell, nagpapahiwatig lamang ito na lahat ng Estudyante ay pumasok na sa kani-kanilang Room, kaya agad naman akong napatakbo ng todo-todo para Hindi ako masaraduhan ng Gate.

"Wait lang Tito Guard Nandito pa po Ako wag nyo po munang isarado!" Naghihingalo na ako sa kakatakbo Tapos pinapasigaw pa ako nitong sina Tito Guard.

"Late kana naman Heavenia" Saad ni Titong Guard na Pandak. Ngumiti ako sa kanila, sa pakiwari ko ay parang ngiting asong nauulol ang ginawa kong pag ngiti. Nakita ko naman na napa buntong hininga si Tito Guard Payat na Matangkad at Napa iling iling naman  Si Tito Guard na Pandak.

"Sorry naman Titong Guards, naglakad lang naman po kasi ako ng Apat na kanto eh Hindi ko naman afford na sumakay ng Taxi Dahil nga Bente lang ang baon ko eh yung Bisekleta ko naman ayun Ilang linggo na ring nasa bahay Dahil wala pa kaming sapat na Pera para ipaayos ang pumutok nitong gulong" pagpapaliwanag ko Naku Lord sana naman pakinggan nila ang aking panalangin na papasukin na nila ako sa Loob.

"O sya sya Sige na pumasok kana" Sabi ni Tito Guard na Payat na Matangkad

"Thank you po!" Agad akong kumaripas ng Takbo papuntang Room ko, nasa 4rth year High School na ako ngayon at ako ang nangunguna sa larangan ng Patalinuhan sa Section namin, Syempre matalino talaga ako you know kasi Hindi ko naman din afford ang Bayaran sa school na ito dahil sa Sobrang Mahal ang Tuition Fee's dito at kung sa tulad ko lamang na Mahirap Mukhang isang buong taon namin gagastusin ang pambayad sa Eskwelahang ito.

Well, scholar lang naman kasi ako dito at halos lahat ng Estudyante dito ay alam ang tungkol duon, tinatawag pa nga ako minsan ng iba na Hampas-lupa, Skwater at iba pang Hindi kanais-nais na tinatawag sa isang magandang dalaginding na kagaya ko, Oops napa Sobra na yata ako sa mga sinasabi ko.

Mabilis pa sa alas kwatro akong gumapang papasok sa Room namin Dahil umuusok na naman ang Ilong ng Terorista naming Guro sa Mathematics Dahil nag-a-Attendance sya.

"Katana"

"Present Miss"

"Kalido"

"Present Miss"

"Kuripot"

"Kuripot"

"Miss Kuripot!"

"Hehehe Peace" Sabi ko at nag peace sign

"Bakit Hindi ka sumasagot Miss Kuripot?" Mataray na tanong ni Miss Tuares. Anong isasagot ko? Sasabihin ko bang late ako? Pero Hindi! Hindi pwede kasi baka palabasin na naman nya ako!

"A-ano po kasi eh Akala ko po Hindi ako ang tinatawag nyo kasi nga po Kripot po ang Apelyedo ko Hindi po Kuripot" magalang kong sagot. Ay aba! Dapat magalang ka sa mga nakakatanda sa iyo noh! Sus! Di pwedeng Hindi ka Rumispeto Dahil hindi Maganda yan sa pag-uugali ng mga Tao lalo na sa tulad kong Ganda lang ang maipagyayabang!

Tumawa ang lahat maliban sa Akin at Miss Tuares na ngayon ay naka kunot ang nuo nya habang tinitignan ako.

"Stop Laughing!" Sigaw nya na nagpatahimik sa lahat kaya naman napayuko na ako. Ano ba ang magagawa ko? Tss Mayayaman Sila at Wala akong Pake! Pare-pareho naman kaming kumakain ah! Ang kaibahan lang eh masasarap na Pagkain ang kanilang kinakain!

"Miss Kuripot" pagtawag ni Miss sa akin. Nagpigil na naman ng tawa ang mga kaklase ko dahil sa itinawag sa akin ni Miss Tuares. "I mean Miss Kripot, sa susunod nga palang paligsahan sa patagisan ng Isip sa larangan ng Mathematics at Science ay Ikaw ang napili ko bilang representative sa Section na ito, makakalaban mo si Miss Hartez Sa Section A at Ikaw sa Section B at Si Miss Lorux Sa Section C" Seryosong Sabi nito.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now