Chapter 3

4.2K 173 27
                                    

Heavenia's P.O.V

"Congrats Heavenia! Napaka Galing mo talaga super!" Papuri ni Gino sa akin nang makapasok ako sa Classroom. Syempre naman ako ang nanalo Kanina eh sa patagisan ng isip sa larangan ng Mathematics at Science. Samot saring papuri ang aking naririnig kesyo Napaka talino ko Napaka Galing or what so ever dyan.

Lumapit ako sa Kay Miss Tuares na naka-upo lamang sa Teacher's Table.

"Miss Can I go home now?" Pagtatanong ko, kasi naman Tapos na yung Paligsahan kung saan ako ang kalahok eh kaya gusto ko nang umuwi ng makatulong ako sa paglalako nang Ube Que para madagdagan ang baon ko sa Mga susunod na araw. Tinignan muna ako ni Miss Tuares Mula ulo hanggang paa. Tila sinusuri nya ang buong katawan ko, tumigil ang mga mata nya sa mukha ko tsaka ito ngumiti.

"Congratulations Miss Kripot maaasahan ka talaga" Sabi nito kaya ngumiti na lang din ako sa kanya.

"So pwede na po ba akong Umuwi Miss?" Tanong ko ulit at tumango lang sya. Umalis na ako sa school at kasalukuyan akong naglalakad ngayon pauwi sa amin, Bigla akong napatingin Sa Bangko kung saan ko pina-upo yung Kawawang Lolo sa Gilid ng Plaza, tumingin din ako sa lokasyon ng Nagbebenta ng buko Juice pero Wala na sya duon.

"Anyare? Siguro Wala masyadong customers kaya lumipat" nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa Kanto kung saan papasok duon ang aming bahay. Bigla akong kinabahan ng humakbang ako papasok sa kanto.

"Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nakakaramdam nang Ganito? Hayst siguro Dahil ito sa pag-uusap namin nang Xyron na yun!" Napapanguso pa ako pag naaalala ko yung pag-uusap namin Kanina eh Pero inaamin ko sa sarili ko na nakatulong yung sinabi nya para mapagaan ang loob ko.

FLASHBACK

"Ano ba pag-uusapan natin ha?!"

"I need to tell you something" seryoso sya habang sinasabi ang mga katagang iyan.

"What kind of something ba yan? Ano aasarin mo naman ba ako? Timang ka! Hoy kung inaakala mong Hindi kita papatulan nagkakamali ka! Eh ano kung Prinsipe ka? Who cares ba? I don't care! At tsaka kung Prinsipe ka I am Heavenia! I'm a Princess dahil babae ako Ulol!" Nanggigigil kong Sabi ay aba kung Akala nyang natatakot ako sa kanya ay nagkakamali sya! Ako yata ang Kontra Bida sa Bahay!

"Look, I want to apologize for what I have done to you, Veronica explains everything to me and she wanted to..." I cut him off

"Oh Tapos? Magso sorry ka ganun? Dahil nalaman mong Hindi ko naman sinasadyang mabangga ang Mahal mong si Veronica? Tapos magso sorry ka lang kasi gusto nya? What the Hell! I don't need your sorry kung hindi naman pala bukal dyan sa Maitim mong puso ang paghingi ng sorry sa akin" napa speech pa ako dahil sa inis. Sa lahat pa naman ng Ayaw ko eh yung nagso sorry na Hindi naman pala nya ginusto my God nakaka hagard!

"I'm a Crown Prince at ako yung taong Hindi marunong tumanggap ng kasalanan kaya I don't admit na may kasalanan ako sayo" Bored nitong Sabi, ganito ba ako ka Bored kausap ha?

"And about Veronica Don't you dare to hurt her because she's my Crown Princess in the future" Sabi nito, tila nabawasan ako ng iniisip Dahil sa sinabi ng Letcheng toh! Buti na lang pala may sayad sa utak yung lolong nagsabing ako daw ang Magiging Crown Princess Ay aba! Parang Ayoko na yatang makasama ang Lalaking ito sa school eh sa iisang bubong pa kaya? Baka mapatay kona talaga sya.

"So? Eh ano naman kung Sya ang magiging Crown Princess? Do I have any care?" Taas kilay kong tanong. Tanga ba sya? Hindi nya yata naiintindihan na Wala akong pakialam kahit na hari o reyna pa ang kalaban ko Basta ako yung na agrabyado!

"Tss Stupid" Yun lang ang lumabas sa bibig nya. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ano raw? Ako Stupid? Takte! Ang yabang eh noh? Akala mo naman matalino ang gunggong eh mukha naman syang Bagoong!

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now