Chapter 8

3.4K 141 2
                                    

[Kabanata 8]

Heavenia's P.O.V

"Maglakad ka ng maayos Mahal na Prinsesa, Hindi ganyan, Dapat yung Lakad ng isang binibining mahinhin"

"Eh kung kayo na lang kaya ang gumawa neto huh? At ako ang magturo sa inyo para maging isang ganap na Dalagang Astig na may pagka Hambog" sa sobrang inis ko eh binungangaan kona itong babaeng toh kase naman nakakainis na sya eh! Hindi naman kasi madaling pag-aralan ang maging isang ganap na Crown Princess. Pati yung paglalakad ko sinisita nila! Eh kung sila Turuan ko!

"Pasensya na po Mahal na Prinsesa ngunit kailangan nyo po talaga itong matutunan, Alam po naming mahirap ito para sa inyo kaya lang ito po Ang mga kailangan nyong malaman"

"Alam nyo din naman pa lang mahirap para saken toh eh! Bakit Hindi nyo ako pinagpapahinga?"

"Sige po bibigyan ka namin ng Oras upang makapag pahinga"

"Talaga? Mga Ilang oras naman?" Mababait din naman pala itong tatlong ito eh.

"Mga 20 minuto"

"Ano?! 20 minutes? 20 minutes Break? Huh! Ok lang kayo? Kasi ako Hindi!" Binabawi ko na ang sinabi kong mababait sila! Huhuhu maaga yata akong tatanda nito.

"Give her a 2 hours Break" Sabi ng kung sinong hinayupak na toh

"Masusunod po"

Umalis na ang tatlong babae at naiwan kaming dalawang mokong na toh!

"Alam mo ikaw! Kasalanan mo ang lahat ng ito eh!" Sigaw ko pa sa kanya

"Anong kasalanan ko? Ikaw naman ang nag decide nito Hindi ba? Dapat nga mag Thank you ka pa sa akin kasi Binigyan ka nila ng 2 hours Break dahil sa utos ko" pagmamayabang pa nya.

"I don't need your help! Ikaw talaga ang malas sa buhay ko eh!" Sinigawan ko sya pero tumawa lang ito.

"You know, I just want to thank you dahil ikaw ang naging Crown Princess" ano na naman kaya ang sinasabi ng mokong na toh?

"Oh tapos?"

"At dahil ikaw na ang Crown Princess wala ka nang kalayaan, pero yung babaeng minamahal ko malaya syang gawin ang lahat ng gusto nya. Kung nagkataong Hindi ang Lolo ang pumili, mahihirapan Ang babaeng gusto ko dito sa palasyo, mahihirapan sya sa mga patakaran dito dahil sya ang pipiliin kong maging asawa ko" napakayabang eh noh? Eh kung ibalibag ko ang katawan nya dun sa malaking poste ng magkahiwahiwalay ang katawan nya? Ipapakain ko sya sa Aso!

"I pity you" panunuya ko pa

"What?!" Halata na sa boses nyang nainis sya sa sinabi ko.

"Nakakaawa ka" ulit ko pa.

"Mas nakakawa ka dahil lumaki ka sa isang mahirap na pamilya" ngumisi sya at yun ang Hindi ko na kinayanan. Kaya ayun Sinapak ko sya! Ginamit ko ang kaliwang kamay ko at ibinuhos  ko dito ang lahat ng energy ko kaya ayun putok labi nya.

"How dare you! You punch me!?" Hindi makapaniwalang bulalas nya. Ang akala nya siguro ay gagalangin ko sya dahil sa sya ang Crown Prince dzuh! Over my Dead body!

"Yes I punch your dirty mouth MY CROWN PRINCE" Diniinan ko pa ang pagkakasabi ko para sagad hanggang kalamnan.

"Ignorante ka talagang babae ka!" Sigaw nya habang hawak hawak ang pumutok na labi nya.

"Para sabihin ko sayo mas nakakaawa ka, oo lumaki nga ako sa hirap pero atleast masaya kaming nagsasama-sama, sabay sabay naming nilalagpasan ang hamon ng buhay pero kahit ganun Hindi mawala ang mga ngiti sa aming mga labi dahil magkakasama kami!" Sigaw ko pabalik.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now