Chapter 61

1.8K 89 34
                                    

[Kabanata 61]

Speid's P.O.V

Tulala akong nakatingin sa kisame nang aking kwarto, iniisip kung bakit may mga death threat na dumarating kada araw kay Veronica, Xyron, Heavenia at maging sa akin. Bakit kaya? Sino kaya ang nagpapadala nang Death threat na yun?

Napahinga ako nang maluwag, Tinawagan ko si Heavenia na kung Pwede ay pumunta muna sya sa Apartment ko dahil nilalagnat ako at Wala akong kasama. Papunta naman daw sya at kasama nya si Pamela.

Ilang minuto pa ang nakararaan nang may marinig akong nag doorbell, tumayo ako at binuksan ang pinto, Wala akong nakitang tao pero may Isang Carton na iniligay sa tapat nang aking pinto. Death threat na naman siguro ito.

Dali-dali ko itong kinuha at binuksan, isang manika ang laman nito at nagsasalita.

"Press me!"

"Press me!"

"Press me!" Paulit ulit nitong sabi. May nakita akong red button at pinindot ko iyon.

"It will be explode in 10,9,8,7,6,5,4,3..."
Binitawan ko ito dahil sa pangambang baka bomba ito, tatakbo na sana ako nang bigla itong tumigil sa pagbibilang.

May nakita naman akong isang envelope, naglalaman ito nang mga Sulat at litratong may ekis ang bawat mukha na nasa litrato. Hindi naman ako nakakaramdam nang takot para sa sarili ko kundi para sa mga kasama ko.

Hindi namin kilala kung sino ang mga nagpapadala nang mga Death Threat sa amin at kung ano ang dahilan nito para padalhan kami nito. Nagsimula ang lahat nuong nakaraang linggo at nagtutuloy tuloy na.

Ako ang unang pinadalhan,kagigising ko lang nang umagang iyon bago kami mag shopping ni Heavenia, Nang makauwi ako sa bahay ay natulog ako nun tapos nagising lang ako nang marinig ko ang nagriring kong Cellphone.

Ilang oras lang ang pagitan, nakatanggap ako nang tawag mula kay Tito Arthur na may nagpadala daw nang nakakatakot na bagay sa palasyo. Napaisip ako kung nagkataon lang ba ito o sinasadya.

Nang sumunod na araw ay pare-pareho kaming nakatanggap nang Death Threat, Hindi pa namin napag-uusapan ni Heavenia ito ngunit narinig ko mula kay Claude na nais nang pauwiin nang pamilya ni Heavenia at Claude sa Japan.

Itinapon ko na sa basurahan ang mga walang kwentang bagay na iyon at pumasok na ako sa loob dahil Hindi Maganda ang pakiramdam ko.

Nahiga ako ulit sa kama ko dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako, nagsimula ang lagnat ko kaninang umaga. Gusto ko sanang pumunta sa bahay nina Heavenia pero Hindi ko kayang mag drive kaya ako tumawag at pinapapunta sya dito.

Dahan dahan ko nang ipinikit ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay ang bigat bigat nang talukap nang mga mata ko. Nakarinig ako muli nang Doorbell. Pinilit kong tumayo upang pagbuksan ang kung sino mang nagdo-doorbell.

Pagkabukas ko nang pinto ay nakita ko kaagad si Heavenia na nakatayo sa tapat nang pinto ko nang nag-iisa.

"Oh? Bakit parang gulat ka yata?" Tanong nito.

"Akala ko ba kasama mo si Pamela?"

"Ah, oo dapat pero Walang kasama si Claude at nag-aalala akong iwanan sya dahil sa mga death threat na natatanggap ko"

"Pumasok kana muna"

"Salamat" Nang makapasok kami ay agad nyang inilapag ang mga dala nya sa mesa. Inilibot nya ang kanyang paningin sa buong Apartment.

"Ang gara naman nang Apartment mo, ang laki laki nang bahay mo kahit mag-isa ka lang, Tinriple nito yung bahay namin sa Jogi Island, Ipinanganak ka nga talagang sosyal" naubo ako dahil sa lamig na nararamdaman ko.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now