Chapter 34

2K 96 45
                                    

[Kabanata 34]

Liyah's P.O.V

Agad akong nainis nang makita ko ang kapatid ko at kapatid ni Normainie kaya niyaya ko silang lumayo sa Lugar na yun. May pabongga entrance pa tch! Sumakay pa sila ng Private Helicopter dzuh akala mo naman.

Hindi naman ako insecured pero naiinis talaga ako. Manlalait kasi silang dalawa kaya bagay silang magka tandem.

"Ano na naman ba ang problema mo dyan Liyah? Kanina ka pa nakabusangot dyan?" Tanong ni Normainie.

"Haynako Wag nyo nang tanungin yan. Hindi pa ba halata? Naiinis sya dun sa dalawang dumating kanina, at tsaka ano bang ginagawa ng dalawang yun? Hindi naman sila invited ah" Sabi pa ni Kuya Gino.

"Insecure ka Liyah?" Ito namang si Heavenia ganyan agad ang naiisip.

"I'm not insecure ok? Naiinis lang kasi ako. Mas mabuti nang umiwas ako kasi ayoko nang malait ng mga yun, masyado silang judgemental kaya naman bagay na bagay"

"Hayaan na natin sila, ang importante ay masaya tayo, we're here para mag bonding para magsaya so wag na natin silang patulan" sabi pa ni Kuya Gino.

"Tama" sabi naman ni Normainie.

"Pero kapag inunahan nila tayo, sakalin natin!" Energetic namang sabi ni Heavenia. Kanina lang eh seryosong seryoso toh ngayon eh parang ewan ko ba.

"Aba syempre naman!" Pagsang-ayon ni Kuya Gino. Akala ko ba hindi sila papatulan?

"Eh anong gagawin natin?" Napapakamot ng ulo si Normainie at tinatanong kung ano ang gagawin.

"Eh di maligo" sagot pa ni Kuya Gino.

Lumusong na kami sa Dagat. Marunong akong lumangoy hindi ko lang alam kung marunong ba itong mga kasama ko.

"Ayan!" Pagtatampisaw pa ni Heavenia. Parang bata talaga. Hindi na ako magtataka kung magiging isip bata din ang magiging anak nito.

"Masyadong masaya! Hinding hindi ko makakalimutan ang mga araw na kasama ko kayo!" Ngiti pa ni Heavenia. Akala mo naman iiwan kami. Saan ka naman pupunta Bes?

"Syempre naman, solid tayo eh" sabi pa ni Kuya Gino.

"Wait lang asan na si Normainie?" Takang tanong ko. Baka nalunod? Naku wag naman sana!

"Wag kang OA, nasa gilid lang sya oh! Hindi yan lulusong sa may malalim dahil hindi marunong lumangoy yan" tatawa tawa pang sabi ni Kuya Gino.

"Kuya Gino naman eh! Hindi ako marunong lumangoy kaya wag mo naman akong ipahiya ng ganyan!" Sigaw naman ni Normainie kaya sabay sabay kaming natawa.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah" napa rolled eyes na lang ako nang marinig kong nagsalita ang kapatid ko. Feeling close naman ang isang ito.

"Hindi kami nagpapasali ng outsider" sabi pa ni Kuya Gino. Hahaha ano ka ngayon Olats na!

"Excuse me?!" Mataray namang tugon ng kapatid ko.

"Bakit dadaan ka?" Natawa kaming apat sa tanong na iyon ni Heavenia sa Kapatid ko. Ganyan na talaga sya simula't sapul. Kapag may nagsasabi ng excuse me  eh ganyan talaga ang isasagot nya.

"Ano ako hilo? Hindi naman daanan yan eh kaya bakit mo ako tinatanong kung dadaan ba ako?" Nagsisimula na naman sya hayst.

"Wala naman akong sinasabing hilo ka, nagtatanong lang naman ako ah bakit masama bang magtanong?" Inosente pang sabi ni Heavenia.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now