MATTER
CALIE EVERETT
"Salamat sa time Cal. I missed this..""Me too Lyle! Thank you, ingat ka ah?" Ngiti ko pabalik sakanya nang nandito na kami sa tapat ng unit ko.
It's Sunday and after we're done with our church services ay pumasyal na kami kagaya noon.
This time ay kumain kami ng lunch sa isang fast food at dumiretso kami sa bahay nila and had a Netflix and chill. Gabi na nang mapagpasyahan naming umuwi dahil bukas na ang pasukan.
I never thought na masusulit ko ang summer vacation this year, since sanay ako na umuuwi sila mom dito.
Luckily may isang mokong na dumating at nagsimulang mag-aya ng road trips. Nandiyan din sila Maisha, Diara and of course Lyle.. na walang sawang inaaya ako palagi kahit na alam nilang madalas ako tumanggi.
Time flies so darn fast! Although I'm really excited for my college life, natatakot padin ako dahil alam kong 'di magiging madali.
Simula ng mag-aral ako ay lagi na kong parte ng honor-roll, 'di man nagiging number one, hindi ako pumapayag na wala kong maiuuwi na award.
So I think, I really need to study hard this time since kailangan ko rin ng magandang image for our company.
Since the time that dad left us, nakapagdesisyon na ako na tutulong ako sa company namin. Hindi naman kasi nila ko pinipilit na itake kung ano yung path na tinake nila, so I'm really thankful for that.
But ever since then, I wanna continue dad and mom's legacy just like kuya. Na even dad left us, I wanna make sure that his name will remain honorable.
Habang inaayos ko ang mga dadalhin kong gamit para bukas ay naalala kong hindi ko pa pala nachecheck ang phone ko simula kanina.
Nag-enjoy kasi talaga ko sa panonood namin kahit wala kong ibang ginawa kundi magtakip ng mata at tumili. Pano ba naman kasi walang kahilig-hilig si Lyle sa mga horror films at ayun lagi ang hirit! Sinapawan pa ni Lyre na kapatid niya kaya ang lola niyo walang choice sa choices!
Nagtext pala si mommy, nangangamusta lang and greeted me good luck for my new journey. She also asked about Tito Liam.
Lagi parin kasi akong nirireach out ni tito about kay Archerr. Nakakahiya naman siyempre kung 'di ko sasagutin, so kahit ayaw nung mokong ay tinutuloy ko pa din. Sa texts na nga lang and mas convenient siya sakin kasi bawas hiya kaysa sa tawagan at baka mautal-utal pa ko.
Mom <3 :
That's great. Take care always for the both of you. And huwag kang masiyadong nagsusungit kay archerr! I'm also texting him and kinukwento kaniya sakin.What the?!?! Ako pa?! Ako pa talaga?!? Ang galeng! Ako pa ang nagmukhang may topak saming dalawa?!? At kailan pa sila naging textmate?!
Nireplyan ko nalang si mommy nang may pagsang-ayon kahit labag naman talaga sa loob ko psh! Si Alessia din pala ay nagtext at nag-good luck para bukas. 'Aiishhh! Lahat sila nag gugood luck! Ganon ba talaga kahirap ang college life?! Para kong sasabak sa laban dahil sakanila.'
"Notebook.. ballpens.. requirements incase na kailanganin.."
Nagpatuloy na ko sa pag-aayos ng mga gamit. Ako kasi si girl scout eh, kahit 'di kakailanganin ay dala-dala ko lagi, feel ko kasi pag iniwan ko doon hahanapin eh.
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Teen Fiction(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...