HAPPY AND BLUE
CALIE EVERETT
Nang matapos ako sa paghahanda papasok sa school ay dumiretso na agad ako pababa sa parking lot.
Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakasakay sa elevator. Wala pa nga eh hindi na ko mapakali, parang tanga! Pesteng mga paru-paro toh hindi na nanahimik!
Pagkabukas ng elevator na lulan ko ay napahinga nalang ako ng malalim at muling inayos ang sarili bago lumakad sa kotse na naghihintay sa akin.
'Shet naman! Ang aga-aga ang gwapo-gwapo na!!! Sarap ng almusal ah----choz!'
Nakasandal siya sa itim na kotse niya at maayos na maayos ang suot na uniporme kagaya ng nakagisnan. Dito palang ay amoy na amoy ko na ang manly scent niya, GRABE!
Todo kalabog na ang dibdib ko na para bang nagtatambol ang puso ko at sinasabayan ito ng pagsayaw ng mga paru-paro.
Para kong nasa isang kwento na may nag-aabang na napakagwapong prinsipe na kulang nalang ay isang malaking bouquet, shet talaga!
"What take you so long?!" Kunot noong salubong niya sa akin.
'Prinsipe-prinsipe?!? May topak kamo! Todo puri pa ko sakanya tas susungitan lang ako!'
"Wala man lang good morning?!?" Pinanlakihan ko siya ng mata at inis na pumasok na sa sasakyan niya.
"Tsk---"
Yes po! Opo! Magkasabay po kaming papasok ngayon. Actually ilang lingo narin na ganito ang set up namin. Paano ba naman kase?! Ang magaling kong kuya wala na atang balak ibalik yung kotse ko!
Aarborin lang daw niya dahil ayaw niya na gumastos para bumili ng bago....okay lang naman eh----kaso paano ako diba?!? At ang solusyon niya kamo?! Gawin kong driver ang mokong! Galeng!
"Wait for me later at the cafe again, huh? I'll be a little bit late..." Taas kilay na sulyap niya sa akin habang nagmamaneho.
"No need. Sasabay nalang ako kay M-Maisha..." Kagat labing itinuon ang pansin sa bintana.
"Tsk---Can't fool me Ret-ret. I know that girl was excused in her classes until tomorrow."
Natigilan naman ako at nanlalaking matang hinarap siya. Binaling niya saglit ang mukha niya sa akin at nangaasar na ngumisi.
"She texted me."
What the?!? Arrgghhhh! Ang babae talaga na yun! Lahat nalang sinasabi dito sa mokong!
Simula nung malaman niya na wala akong kotse ay lagi niya kong pinagtutulakan na sumabay dito! Uunahan niya ko sa pag alis maging sa pag-uwi at pag nagkita kami sa unit?! Mang aasar lang siya lalo!! Napakaaaa kala mo 'di kaibigan eh!
Totoong excuse nga siya dahil pumunta silang Baguio kasama ang ilang faculty members. Maiinggit na sana ko eh, kaso para sa contest yun so bahala na pala siya dun hehe.
Naghahanap lang talaga ko ng palusot dahil lagi nalang kasi kami magkasama at----hindi healthy yun!! Aiishhh!
Kahit kasi na mahigit isang buwan na ang lumipas simula nung gabi na yun...sobrang linaw padin nun sa utak ko, feel ko kahapon lang nangyari lahat.
Yung langit noong oras na yun.. yung mga paputok.. yung simoy ng hangin.. yung paghawak niya sa kamay ko.. yung mga salitang binitawan niya at yung.. mga labi niya. Shet na malupet!
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Genç Kurgu(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...