WRECKED AND CONFUSED
CALIE EVERETT
Almost fifteen minutes na kong nakatambay sa sasakyan ko ngayon at kanina pa nakaalis ang sasakyan ni Alessia.
Pilit ko munang inaayos ang utak ko at kinakalma ang sarili. Parang drain na drain na naman ako. Parang nawalan na naman ako ng gana sa lahat.. kaya minsan masarap nalang maging manhid eh.
Nang bahagyang bumuti na ang pakiramdam ko ay napagdesisyunan ko ng umuwi. Baka kasi mamaya ay kung ano pa ang mangyari sa akin kung aalis ako na gulong-gulo. Mabuting mag ingat na, mas magmumukhang kong tanga lalo pag nadisgrasya pa ko!
Iistart ko palang sana ang kotse nang magring ang phone ko. Mabigat na napabuntong hininga ako nang makita na ang mokong ang tumatawag.
Huminga muna ako ng malalim bago ito sagutin. "Hello Alchel?.."
"Hey baby..."
Napapikit naman ako ng mariin nang marinig ang tinig niya na agad nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.
"Are you guys done? What happened, huh?" Hindi makabasag pinggan na tanong niya pa.
"Yup. Halos kakatapos lang din. I'm about to go home actually..."
"Hmmm...okay."
Nakagat ko ng mariin ang labi ko.
'Walangya ka! Hindi ko alam kung magagalit ako sayo! Ikaw naman lahat ang dahilan nito eh! Bat ba kasi dalawa pa kaming nagmahal sayo?! Bat pati ako nahulog ng todo?!? Napaka sama mo Archerr!! Pero walangya mahal padin kita!'
"How are you feeling? Are you fine sunshine?"
Napayuko naman ako at muling nangining ang mga kamay ko, kagat-kagat ko parin ang ibabang labi ko na nanginginig nadin.
Isang tanong niya lang.. gusto ko na agad bumigay. Gusto ko na agad isumbong lahat-lahat!
Kung paano ako umiyak! Kung paano ako paulit-ulit na nasasaktan! Kung paano ko sinisisi ang sarili ko! Kung paano nagmakaawa sa akin si Alessia at kung paano nun napagulo ang isip at sistema ko.
Lahat ng yun... gusto kong sabihin sakanya. Sa lahat ng yun gusto kong siya ang dumamay sa akin. Gusto kong siya ang kasama ko. Siya lang sapat na. Ayos na ko.
Pero hindi pwede. Hindi niya na dapat intindihin pa ang lahat ng yun. Walang-wala toh sa pinagdaanan niya noon. Hindi niya na kailangan pang masaktan pa sa kakadamay sakin. Kakayanin ko toh. Mahal ko siya eh, yun lang ang laging pinanghahawakan ko.
"D-Don't worry about me. I'm fine Alchel.." Nakapikit na saad ko, pigil na pigil ang panginginig ng boses.
"I gotta go na. I'll talk to you later."
"Alright then. Drive safely, huh?! I miss you..." Malambing na sagot niya na siyang nakapagpangiti sa akin.
"Okay. I miss you too."
'And I always love you...'
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Thankfully I arrived safely at our building. I felt so tired and the sight of my soft bed and pillows are already flashing in my mind. I ride the elevator then went straight to my unit's door.
Halos wala na ko sa sarili pagkapasok at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungong kwarto.
"Hoy bundok! Saan ka galing hah?! 'Di ka nagsasabi ah!"
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Teen Fiction(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...