33rd Thread: All for the last.

143 6 1
                                    

ALL FOR THE LAST

CALIE EVERETT

"Yes mommy! Babye po. I love you too!"


Matapos ng pagpapaalam ay binaba ko na rin agad ang telepono. I'm glad that mom had a free time and she used it to catch up with me. Masyado kasi siyang busy sa company at halos ngayon nalang uli kami nagkatawagan. I miss her so much!


Its Friday in the morning now, and I'm currently packing some clothes and essentials in my blue travel bag. May plano kasi kami na pumunta sa Coron Palawan at mamaya na ang flight namin ni Archerr.

I was the one who planned it. He was shocked when I asked him about it, but of course he gladly agreed. Well, I really expected him to agree since I know how much he loves travelling.

Almost five days nadin nung makabalik si Archerr and in those days... he's always with me. That's why I can say that I became so happy. Na halos makalimutan ko na kung ano ang dapat kong gawin. Like before, he never fails to amaze me by showing how much he loves me. And it freaking felt so good.


Mas ginagawa niyang mahirap sa totoo lang. Pero ako rin naman ang may kasalanan kasi hinahayaan ko lang. Hindi ko rin masisi ang sarili ko dahil sino ba naman ang makakatanggi sa ganong klase ng tao na dati ay halos walang emosyon na malahad pero ngayon ay isang tingin niya lang ay dama mo na ang nais iparating ng puso niya? Napakahirap tigilan.



Muling napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Napahinto naman ako sa ginagawa ko nang mabasa ang message ni mommy.

Mommy <3 :
Sweetie, I'll wait for your decision okay? Please take care and be strong. I know you can get through this. No matter how painful, remember that you are always loved.

Sa sandaling oras na nagkausap kami ay sinabi ko sakanya ang totoo. Maging ang mga plano ko. Imbis na magalit siya ay pinagaan niya pa ang pakiramdam ko.

She said na galing na rin siya sa ganitong sitwasyon. Nagmahal sa maling paraan. Nasaktan. At halos humiwalay pa sa pananampalataya. Pero sa huli, puso parin niya ang nagwagi. Dahil nakilala niya si daddy. She said that what she felt before maybe was really love, but she knew that what she felt with dad was the true love.

And within that talk, I admit na pumasok sa isip ko na sana nga ganon at tama lang ang gagawin ko. Ayokong pagsisihan lahat. Ayoko siyang pagsisihan. Pero meron pa rin sa akin na sana, siya nalang talaga. Na siya ang first and true love ko. Ang sarap pangarapin, kung lahat ng yun ay pwede lang gawin.

'Sweetie, I'll wait for you decision okay?'

Napabuntong hininga ako nang paulit-ulit iyong magflash sa utak ko na tila naririnig ko pa ang boses ni mom sa text niya.

She'll wait for my answer. She suggested na pumunta ko sa Canada if hindi ko na kaya ang lahat. She'll book me a ticket as fast as she can.

Ayokong umalis. Ayokong iwan siya dito. Pero alam ko din na walang mangyayari kung ganito. Kung kahit anong iwas ko ay sa huli bibigay padin ako. Napaka hirap niyang bitawan, lalo't alam ko na ang mga ginagawa niya nitong mga nakaraang araw ay para hindi ko maisip na bumitaw pa.

Gagawa at gagawa siya ng paraan. At sa ngayon ang tanging alam ko nalang na gawin ay yung sinabi ni mommy. Siguro nga kailangan kong lumayo. Pero kailangan ko din ng ilang araw pa. Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko na.

: Yes mom. Just give me few more days, please.

I sent her my reply at inalis muna ang mga yun sa isip para makapagpatuloy sa ginagawa.

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now