IS IT BAD TO LIKE YOU?
CALIE EVERETT
"Hmmm~Hmmm~"
Pa-humm humm lamang ako habang inaayos ang mga polaroid pictures sa headrest ng kama ko. Sa isang buwan na lumipas kasi ay sandamakmak na lugar na ang napuntahan namin.
Totoo ngang aayain uli ako ni Archerr para mag road trip kasama siya. At!! Hindi lang isa---kundi limang beses!
Sa isang Lingo ay naglalaan kami ng tatlo o dalawang araw para sa road trip na sineset niya. Lingo ng madaling araw kami umaalis at uuwi kami sa condo ng Martes o Miyerkules ng hapon.
Ang natitirang araw naman ay ang pahinga namin at para narin sa pagpunta ko sa kapilya.
Sobrang SAYA! HAHAHAH! 'Di ko kasi talaga expected na masusulit ko yung summer vacation na toh.
Minsan nga naisip ko na, ayos na rin pala ang pagsundo ko sakanya sa Airport noon, nagkaron ako ng instant road trip buddy.
Pagkagaling namin noon sa Caliraya Laguna ang sinunod naman namin ay ang Tagaytay.
Tinikman ang the best nilang bulalo! Naglibot-libot, kumuha ng mga pictures at pumunta sa Sky Ranch.
Exciting lahat ng rides na meron sila at isa pa ay hindi ka maliligo sa pawis dahil hindi ganon kaalinsangan ang panahon sa Tagaytay. Pinaka nagustuhan ko ay ang napakalaki nilang Ferris Wheel.
.....
Nakakapit ako ng maigi sa bakal nang magsimulang umandar ang sinasakyan naming Ferris Wheel. First time ko toh kaya medyo kinakabahan ako.
"Hey! Come on, enjoy the view." Baling sakin ni Archerr na nakatayo na sa harap ko.
Inilipat ko ang tingin ko sakanya.
"A-ah.. its fine. I can still see it while sitting." Nagpilit ako ng ngiti.
Tinaasan naman niya ko ng kilay at tila tinutukoy kung ano ang inaasta ko.
"Tsk-- There's nothing to be nervous about. You have jumped from a very high place right? The free fall?" Nakangising saad niya.
"Y-yes! But that's different! May gears don dito.. wala! What if-- biglang bumagsak yung cab natin?!" Nakangusong sambit ko.
Ngumisi muli siya na tila ba natutuwa't nangaasar, "That's not gonna happen. Stand up now..."
Inilahad niya sa akin ang dalawa niyang kamay. "You'll gonna like it, I promise." Marahang sambit niya.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kamay at mata niya. Lumunok ako at dahan-dahan na inabot ang nakalahad niyang palad.
Nanginginig ang mga kamay ko kaya bigla niyang hinigpitan ang hawak dito. Nang mapadako ang mata ko sa mukha niya ay muli kong nasilayan ang matamis niyang ngiti.
"Stand up Everett.."
Para naman akong nahumaling sa tono ng boses niya at napasunod sa sinabi niya. Tumayo ako na nasa kanya parin ang tingin. Tinanguan niya ko nang nakangiti na tila ba sinasabi na tama ang ginawa ko.
'A-archerr...'
Sambit ko sa isip ko nang muling maramdaman ko sa dibdib ko ang pakiramdam noong kakagaling lamang namin sa Caliraya.
Nang tumingin na siya paharap sa tanawin ay ibinaling ko narin ang tingin ko roon.
Mabagal ang ang paggalaw ng cabin, nagniningning ang mga ilaw mula sa mga pasilidad na tanaw mula rito...
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Fiksi Remaja(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...