34th Thread: Goodbye

124 5 2
                                    

WHAT'S THE GOOD IN GOODBYE?

CALIE EVERETT

"Calie, sigurado ka na dito?"

"Oo nga Calie, baka magbago pa isip mo.. hindi naman kailangan na agad-agad."

Mabigat na napabuntong hininga ako at iniangat ang tingin sa dalawa kong kaibigan na halatang nag aalala at nalulungkot sa desisyon ko.

"Maisha.. Diara.. alam ninyo sa sarili niyo na ito rin yung pinakamagandang gawin.." I softly said and gave them a sad smile.


Napayuko sila't napabuntong hininga nalang dahil totoong ito na nga lang ang magagawa ko. It's been two days ng nakabalik kami dito sa Pasay. At ngayon ko lang sila nakausap patungkol sa plano kong pag alis. Sa totoo nga ay hindi na plano pa, kundi tuloy na. Kahapon lang ay dumating na ang ticket ko at na renew nadin ni mommy ang Visa ko. Everything went smooth with her help, at mukhang wala ng atrasan toh.

Nang sinabi ko sakanila, syempre ay nagulat sila. Bigla-bigla ba naman akong magdesisyon na umalis at iwan sila dito eh. Nag aalala sila at nalulungkot, hindi lang para sakin.. kundi para narin sa taong alam kong lubos kong masasaktan.

"Nakakagulat ka naman kasi eh...wala man lang isang lingong palugit! Edi sana nag bonding muna tayo." Pagnguso ni Diara at iniiwas ang mata na nagbabadya na ang mga luha.

"Sorry na nga.. nagulat din naman ako kay mommy na ang bilis niyang pinroseso. Babalikan ko naman kayo ah!" Humilig pa ko sa lamesita upang maabot ang kamay nilang dalawa na nasa kabilang couch.

"Kailan naman? Basta kailangan talaga babalik ka ah." Bahagyang ngiti ni Maisha.

Sa kanilang dalawa ay mas kalmado si Maisha at alam kong parehas lang nilang lubos na naiintindihan ang desisyon ko.

"H-hindi ko pa alam..." Pagyuko at pag amin ko pa. "P-pero oo naman, babalik ako." Malungkot na ngiti ko.

Babalik ako.. kasi alam kong hindi ko kakayanin kung hindi ko siya babalikan. Pero hindi ko na hinihiling pa na sa pagbalik ko ay ganon padin ang nararamdaman niya para sa akin. Ang tanging alam ko lang ay gugustuhin ko siyang balik-balikan kahit pa paulit-ulit lang din na masaktan.

"Basta Calie ah! Wag mo kaming kakalimutan! Wag mo kaming ipagpapalit sa mga Canadian don!" Parang bata na wika ni Diara.

Bahagyang natawa naman ako at paulit-ulit na tinanguan siya. Binatukan naman siya ni Maisha na katabi niya kaya't sinamaan niya ito ng tingin.

"Boba! Baka nga ikaw ang humanap ng kapalit ni Calie eh! Alam mo namang hindi yan palakausap! Ikaw tong nerd na flirt!"

"Grabe ka magsalita ah! Hindi ako nerd!!" Asik naman sakanya pabalik.

"Pero flirt ka!?!? Proud ka pang gaga ka!"

Nagpalitan pa sila ng sama ng tingin at nag aambaan pa ng sampal at suntok pero hindi naman tinutuloy. Napakamot nalamg ako sa buhok ko at pumalakpak para makuha ang atensyon nila.

"Hoy!! Para kayong mga tanga! Sakin kayo mag focus! Ako aalis oh---" Turo ko pa sa sarili ko. Nagturuan pa sila kung sino ang may kasalanan ngunit ilang segundo lang ay umayos na muli sila ng upo at hinintay ang sasabihin ko.

Huminga ko ng malalim at tinignan silang maigi sa mata. "W-wag na wag niyong babanggitin s-sakanya ah?" Hirap na hirap na wika ko nang magbadya ang mga luha ko.

"Please lang... wag niyo sanang sabihin ang tungkol dito.."

Hinawakan ko pa ng nanginginig kong mga kamay ang palad nila habang nakikiusap maging ang mga mata ko. Ilang segundo pa nila kong pinagmasdan bago sabay na umiwas ng tingin sa akin.

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now