FLEW OUT BY LOVE
CALIE EVERETT
The warmth of love started fading. I can eventually gonna feel again the coldness of the night I've been running. The genuine warmth, if only it can stay forever, then I'll know that it's always gonna be him.Everything happens with a reason. That's what I'm reminding myself. Pampalubag loob kumbaga. Ilang ulit kong sinabi na ayaw kong may pagsisihan ako, pero parang ngayon palang ay ang dami-dami na.
After all of those, hinihiling ko pa rin na sana nga ay tama ang desisyon ko. Na maging maganda ang kapalit ng lahat ng mga luha at sakit. Pero kung saka-sakali... kahit sakanya nalang magkaron ng magandang kapalit, ayos na ko. Kahit kailan, hinding-hindi niya deserve toh, kaya paulit-ulit ko na hinihiling na mahanap niya kung ano ang mga dapat para sakanya.
How I wish its me. On the other hand, fate doesn't always go with what I wanted. That's why in another life, if we can.. then we'll change the fate together. We'll do it one more time when nothing forbids.
"Ladies and gentlemen, Pearson International Airport welcomes you to Toronto Canada. The local time is 10:15 in the morning, with the average temperature of 19°C. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisles clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the "Fasten Seat Belt" sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items, since articles may have shifted during flight."
I fixed my things and prepared myself. Halos buong lipad ng eroplano ay tulog lang ako. Masyado akong pagod, katawan maging ang emosyon, pagod na pagod. Buti nga ay nakatulog pa ko sa dami ng bumabahang memorya sa isip ko. Sa ngayon masasabi kong gumaan kahit papano, pero mukhang sa pagtulog nalang ata ako mapapayapa.
Kinuha ko ang maliit ko salamin at pinagmasdan ang sarili. Maga ang mata at namumula pa rin ang ilong, halatang galing sa matinding paghagulgol. Sinuklay ko na lang din ang buhok ko at nagpahid ng kaunting lipstick dahil halata ang pagkaputla ko. Parang natuyo ata ang katawan ko sa di namamalayang ilang balde na rin ata ang naiyak ko.
"Calie Everett Murray Gallego!" Napairap ako sa salubong ng timang kong kapatid sa akin.
Kagaya ng noon ay agaw pansin din talaga ang isang toh. Naka khaki shorts siya at itim na polo shirt at ball cap, simple pero anlakas na ng dating, tipong pag nahagip ng mata mo eh magtatagal pa ang tingin mo dito. Psh.
"My baby siz!!" Pagyakap niya sa akin ng mahigpit. Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik.
Finally, I can find someone to hold on. I can say that I'm home.
"I missed you!" Pagngiti niya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Me too! Where's mom by the way?"
"Ah! Nagpaiwan sa bahay. She said she'll prepare our food instead of eating outside." Nakangiting napatango naman ako dahil sobrang miss ko na rin ang luto ni mommy.
"That's great! Tara na!" Pag aya ko kay kuya ngunit agad din akong natigilan nang mapansing pinagmamasdan niya ako.
"K-kuya, I said l-lets go.." I chuckled nervously since I know that I look like a mess right now.
He sighed and met my gaze, "You look sick.." He said in monotone.
Bahagyang napabuka ang bibig ko sakanya at tumawa ng matabang. "K-kuya! Of c-course! Kakagaling ko lang sa mahabang flight noh. Kaya nga tara na eh..."
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Teen Fiction(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...