31st Thread: Begging

107 7 1
                                    

BEGGING

ALESSIA TREMBLEY


I turn off the television since my mind can't focus on the movie I'm watching. I just sighed and eat my popcorns while lounging on my bed.

Its been a week since I arrived here in Philippines. Its been a week since I had a confrontation with my best friend and my man. Ugh! Its been a damn week, but its still fresh! I'm always preoccupied by it!

I know na naging padalos-dalos ako. Nabigla ko silang pareho.. I felt bad dahil kakatapos lang ng birthday ni Calie noon and then, ganon yung regalo ko.. So bad right?!?

But then, I don't want to blame myself too. I was so full of it. I think it was too much for me. And confirming it made it more worst.

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na pwede pala yung ganito. Akala ko sa mga palabas lang, akala ko sa mga kwento lang na gawa-gawa.. but hell! I've experienced it myself! And it hurts so bad.

"Bakit?! Anong pa ba ang papakinggan ko?!? Kasinungaling---"

"PAKINGGAN MO KUNG ANO ANG SINASABI KO! HINDI YUNG BINTANG KALANG NANG BINTANG AT NGAWA KALANG NANG NGAWA!"

I was really taken aback that time. Thou I kind of expected it na. Kilalang-kilala ko si Calie.. lalaban at sasagot siya kung kailangan. She's a brave and tough woman. Alam ko rin na ayaw na ayaw niya na hindi siya pinakikinggan.

Mali ako sa parte na yun. Pero sobrang sakit at pagod ko na kasi. Hindi ko alam kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Gusto ko lang naman ipaglaban yung pagmamahal ko..

Inimbitahan ko siya at alam kong papayag agad siya. Nag aalangan pa ko nung una dahil baka hindi siya sumunod sa usapan at hindi niya dalhin ang taong gusto kong makita. But then she did. And that's another stab on me.

Before I texts her about that.. I already called Linden. Tinanong ko siya kung pwede ba siyang magpakita sa akin. Just a dinner. Of course he turned it down. He even told me to go back abroad.

He's being rude? Well, I understand him. Alam ko namang sumobra na ko. Lahat ng yun alam ko. Pero ang dami ko ng nagawa eh.. pagkatapos wala paring nangyari. Kaya ngayon.. kahit alam kong mali, ginawa ko. Umaasang sa ganong paraan ko siya makukuha. Pero ako ang nasorpresa. Nakuha na pala siya ng iba. Ang malala... Best friend ko pa.

"Kahit kailan hindi ko magagawa sayo yon! At sa lahat ng tao dito ikaw ang pinaka nakakakilala sakin! ALESSIA! HINDI KO ALAM LAHAT NG TOH! AT OO TANGA KO DAHIL NAISIP KO NA TOH PERO PINAGSAWALANG BAHALA KO LANG! PWEDE MO KO KAUSAPIN NG MAAYOS! HINDI YUNG GANITO NA KUNG ANO-ANO AGAD ANG INIISIP MO PATAPOS!"

"SO ANO?!? KASALANAN KO PA CALIE?!? AKO PA MALI NGAYON??"

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko siya. Masyadong magulo. Hindi nga ba talaga niya alam? Pinagsawalang bahala niya lang ba talaga? At kung sakaling alam man niya.. gagawin niya ba talaga yun?

Ang totoo.. Alam ko naman ang sagot eh. Kahit masakit at mahirap, naniniwala ako sakanya. Alam ko kung kailan siya aminado sa mali niya. Alam ko kung bakit gustong-gusto niya na pakinggan ko siya. Kasi totoo na wala siyang alam, kasi totoo na hindi niya rin toh inasahan.

Pero kasi kahit ganon.. ang sakit-sakit lang. Ang sakit-sakit na dapat ako yun eh. Dapat ako yung kahawak kamay niya...dapat ako yung tinuturing niya na ganon...dapat ako yung mahal niya. Pero nung dumating muli si Calie sa buhay niya... Tuluyang nawala na ko sakanya.

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now