26th Thread: More Than That

112 5 1
                                    

MORE THAN THAT


CALIE EVERETT

"Calie sumama kana kasi!!!" Sigaw ni Diara sa akin at hinihila ako patayo sa couch.

"Minsan lang toh Calie! Tara na!" Segunda pa ni Maisha.

Nanatili akong nakahiga sa couch at nakatakip ng unan ang mukha. Kanina pa nila ko pinipilit na sumama sakanila pero kasi----tinatamad ako at! Club yun! Club!

"Ayoko ngaaaaaa, kayo nalang! Wala naman akong kilala don."

Nag invite kasi sila Finley na magparty mamayang gabi sa club ng pinsan niya. Bagong bukas kasi ito at para na rin daw sa nalalapit na end ng school year. Celebration daw dahil naka survive kami----may masabing isecelebrate lang ganon psh!

"Loka! Andun kami noh! Tsaka friendly mga taga USTe tulad ko!! Tara na!"

Ayaw paawat ni Diara at sa muling paghila niya sa akin ay tuluyan na kong nalaglag sa couch.

"Arayyy!" Asik ko at tinignan sila ng masama pero ang dalawang timang ay nakapamewang lang sa harap ko at tinataasan ako ng kilay.

"Tara naaaa, parang hindi naman kaibigan eh!" Nagcross arms pa siya at panguso-nguso para masabing nagtatampo siya.

"Magtigil ka! Alam mo ng hindi ako mahilig sa ganyan!" Paghampas ko sakanya ng unan.

"Ngayon na nga lang uli toh! Tsaka andun naman si Archerr ah?! Makipaglandian ka!"

Panlalaking mata sakin ni Maisha at siya naman ang pinaghahampas ko nang mag init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Wala kong pake don tanga!"

Mas kinainis ko lang nang tinawanan lang nila ko pareho. Aiiishhh! Mga bwisit!

Hindi naman kasi talaga ko pala punta sa ganon. Sumasama lang ako minsan sakanila dahil todo pilit sila.

Pero ngayon kasi----tinatamad talaga ko! Iisipin ko palang na tutunganga lang ako dun ay ayoko na eh!

Tsaka anong makipaglandian?! Hindi ako ganon ah! Hindi kaya! Hmp! Nagkausap narin kami nung mokong kanina patungkol dyan sa party na yan----

.................

Mowkhong :
Hey. Huwag kang sasama sa party later ah

Napakunot naman ang noo ko sa bungad niya. Alam ko nga yung party mamaya, pero.. madalas ay aayain niya pa nga ko eh. Anyare ngayon?!?

: Hindi naman talaga ko sasama tanga. Bakit ha?!?

Mowkhong :
Good then.

Anong good then?! Aba! Anong binabalak nito?

: Why?!? Siguro lalandi ka noh?!? Aiishhhh!

Mowkhong :
The hell?!?

: Oh bakit?! Kaya siguro ayaw mo ko andun para walang pipigil sayong makipaglampungan noh, tanga?!?

Kunwari pa tong mokong na toh! Sumama na kaya ko?!? Ay hindi! Ano namang pake ko sakanya?! Wala! Wala talaga!

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now