HE'S HERE
CALIE EVERETT
"Hayyyy...." I sighed nang madala ko na ang mokong sa kama niya.
Mabuti nga at nahanap ko sa bulsa niya ang key card niya at kung hindi ay malamang sa kwarto ko na na naman siya mamemeste.
I just rolled my eyes when he grunt in pain again. Simula ng isakay ko siya sa kotse ay wala na itong ginawa kundi ang umaray sa sakit ng ulo niya.
Kumpara noon eh mas malala ang pagkalasing niya ngayon. Mas gugustuhin ko pa na magka allergy nalang toh kesa sa ganitong halos malason na siya sa alak!
Patulog na ko nang bigla akong tawagan ni Beau at sinabi sakin ang kalagayan ni Archerr. Dejavu nga ba!
At pagdating ko don? Si Beau nalang uli ang matino! Hindi ko ba alam kung malakas ang tolerance nito sa alak o sadyang hindi niya lang dinadamihan ang inom dahil alam niyang babagsak yung tatlong bugok na kaibigan niya.
Dumiretso ako sa dresser niya at mabuti ay nakahanap ako ng bimpo. Binasa ko ito at lumapit sa kanya na mahimbing na ang tulog.
Sobrang pula ng mukha nito at bahagya pang nakakunot ang noo habang nakapikit. Hindi ko alam kung tulog na ba toh o hindi niya lang madilat ang mata niya sa sakit.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at sinimulang punasan ang mukha at braso niya. Hindi ko na siya papalitan ng damit at baka ano pa ang magawa ko hehe.
"Bakit ba kasi nagpakalasing ka na naman ng ganyan?!" Inis na bulong ko sakanya kahit alam kong hindi naman siya makakasagot.
"Aiiishhh! Dapat nga wala ako ngayon dito eh! Dapat nga diba hindi kita pinapansin at wala kong pake sayo?! Pero putek na yan ito na naman ako!!" More likely na inis na saad ko sa sarili ko. Lumipat ako sa kabilang side niya upang ang isang braso naman niya ang punasan.
Amoy na amoy ko na naman yung bwisit na alak na yan. At sa sobrang tapang ng amoy na parang nanununtok eh baka pati ako malasing dito walangya!
"Alam mo.... Hindi mo naman kailangan mag lasing kapag hindi kita pinapansin ano kaba...ako lang toh hihihi!" Nakakalokong bulong ko pa at mismo ako ay natatawa na lang sa kagagahan ko.
"Kung hindi mo sana ko pinikon nung araw na yun...kung hindi mo sana pinairal yang tigas ng ulo mo! Edi sana! Pinapansin na kita!"
Dinutdot ko siya noo. Mas lalong kumunot ang noo niya at umungol sa sakit nang idiin ko ang daliri ko. 'Ayy sorry hehe. Nakakabwisit ka kasi tanga!'
Tumayo na ako at tinignan ang kabuuan niyang maigi. Nang mapagtanto na naka sapatos pa pala ito ay bumuntong hininga nalang ako at lumapit muli upang tanggalin.
"Ayan! Okay na yan! Bagsak ka na naman eh! Siguro naman mabubuhay ka pa bukas noh?" Tinagilid ko pa ang ulo at pinagmasdan siya lalo.
'Oo mabubuhay pa toh bukas, sasama nga lang pakiramdam niya pero kasalanan naman niya duh!'
"Alam mo Archerr... Dapat kanina hindi ka na umalis eh. Tanga ka din kasi eh.."
Kanina kasi na pumunta siya sa unit at nagpapansin muli ay konting-konti nalang talaga at muntik na kong bumigay!
Gamitin daw ba ang kahinaan ko na tonong yon?! Ipakita daw ba ang nakakaawa niyang ekspresyon?! ANAK KA NG TOFU MUNTIK MUNTIK NA TALAGA INENG! BAKA SABIHIN PA NITO MARUPOK AKO EH!
"Pero bakit ka nga kaya naglasing ng ganyan?..." Pagkausap ko muli sakanya kahit wala naman akong nakukuhang sagot.
Nakapamewang lang ako sa harap ng kama niya at tinitignan ang pag-angat baba ng dibdib niya at ang pamunti-munti na pagkunot ng noo niya.
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Teen Fiction(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...