OVERWHELMED
CALIE EVERETT
"Yes po tito, ingat din po kayo diyan.."
Pinatay ko na ang tawag at tamad na tamad na umupo sa couch. Tinawagan kasi muli ako ni Tito Liam, as usual kinukumusta si Archerr. Wala naman akong gaanong nasagot dahil nitong mga nakaraang buwan ay hindi kami gaanong nagkikita. Lalo na ngayong week na ito dahil ilang araw na lang midterms para sa semester na ito.
Ang kinagulat ko pa sa sinabi ni tito ay malaki daw ang tyansa na umuwi siya dito sa Pilipinas. Although wala pa daw exact date, pero kasi-- ayaw niyang ipasabi kay Archerr dahil sigurado na pipigilan siya nun. Sana lamang ay hindi madulas sa dila ko!
Gusto nga daw ni tito na makauwi siya sa mismong birthday ni Archerr, which is two weeks from now. Yun nga lang hindi kaya ng schedule niya. Isa pa yun sa inaalala ko! Hindi ko kasi alam kung anong pwede kong iregalo... Parang lahat naman na kasi meron siya. Tsaka tiyak na kung ano yung mga naiisip ko eh ibibigay na yun sakanya ng iba. Sarili ko nalang kaya?
"Oh merienda muna! Tuyot na ang utak ko!" Lumabas si Maisha galing kusina at inilapag sa harap ko ang tray ng pagkain.
Sabado kasi ngayon at walang humpay na pag-aaral padin ang kailangan atupagin. Sa Lunes na kasi ang start ng midterms. Lunes, Miyerkules at Huwebes. Mabuti nga at binigyan pa kami ng dalawang araw na palugit para 'di gaanong duguin.
"Alam mo--- lets have fun after midterms!" Baling sakin ni Maisha habang kinakain ang cake niya.
"Kailangan natin magdiwang at magrelax non since tapos na ang first sem!" Pagduro niya pa ng tinidor sa akin.
"Game! Pero relaxation ah! Baka mamaya nakakapagod din yang iniisip mo--" Dinuro ko din siya ng tinidor ko kaya't tinawanan ako ng gaga.
"Wala pa nga kong naiisip eh-- asan na ba si Diara?! Sabi niya sasamahan niya tayo?!" Kinuha ni Maisha ang phone niya at sinubukang tawagan si Diara.
Kanina pa kasi kaming tanghali nagstart sa pagrereview at ang sabi nga ni Diara ay pupunta siya pero hanggang ngayon wala parin ang loka. Buti nga yun pa petiks petiks nalang, sanaol talaga matalino diba?! Marunong naman ako pero makakalimutin kasi ako kaya kailangan ko talagang magreview!
"Ay oh! Ang loka 'di na raw makakapunta! May inaatupag daw siya-- eh malamang yung ka flirt niya lang yon!" Reklamo ni Maisha habang nagtitipa sa phone niya.
"May bago na naman siya?!?"
"Ano pa nga ba?! Himala nalang kung wala!" Sarkastikong sagot niya sakin.
Hanga din talaga ko kay Diara eh! Siya lang kasi ang kilala kong mahilig makipag fling pero ang talitalino at nangunguna lagi sa klase! I mean... Hello? Bihira yun!
Kumain nalang muna ko at pinahinga ang utak sa pag-iisip. Mamaya ay sasabak na naman ako sa matinding sapalaran sa mga libro hanggang gabi. Bukas kasi ay may church service ako kaya tinatapos ko na lahat ngayon, ayoko namang ipagliban yun noh. Sa lahat ng ito ayun ang hindi ko dapat kaligtaan.
Siguro maiisip nung iba na masyado kong banal o kaya't banal-banalan. Hindi banal ang tawag don, sadyang mulat lang ako sa katotohanan kung kanino ako dapat humihingi ng tulong. Baliwala lahat ng pagrereview at pagsusumikap ko kung hindi naman niya ko gagabayan. Ang motto ko sa pag-aaral?
Panata plus sipag sa pag-aaral equals pagtatagumpay.
Kinuha ko muna ang phone ko para tignan sana ang oras ngunit nanlaki ang mata ko nang tadtad pala kong ng text nung mokong. Gaya nga ng sabi ko noon naka off o silent ang phone ko kapag ganitong nag-aaral ako. At bakit naman ako tatadtarin nito?! Anong meron?!
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Teen Fiction(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...