14th Thread: Better

148 6 2
                                    

BETTER

CALIE EVERETT

"Pati ba naman ikaw Ale?!?"

"Eh yun nga yun tingin ko! Malayo man ako sayo, pero kilalang-kilala din kita Lili alam mo yan.." Wika ni Alessia sa kabilang linya.

Naikwento ko kasi sakanya ang napagusapan namin nila Maisha noong nakaraang Lingo. At ang sabi nga niya ay ganun din daw ang tingin niya.

'Aishhh! Bat ba kasi ganun yung naiisip nila?! Eh wala nga lang toh! Paulit-ulit eh!'

Sa nakalipas tuloy na isang Lingo pilit kong iniiwasan si Archerr. Na-awkward kasi ako pagkatapos nung pagkausap sakin nung dalawang loka. Kaso-- mukhang napansin ata yun nung mokong...ayun nagalit!

Kapag kasi wala si Maisha dito sa unit dahil nagpa-part time job siya sa company nila ay madalas na tumambay dito yung isa.

Kahit anong gawin ko namang pagpapaalis ay 'di parin natitinag. Eh nao-awkward nga kasi ako, so pag tinatanong o kinakausap niya ko ay tipid na sagot lang ang binibigay ko, minsan nga tango at iling lang. At ayun muling nabuhay ang dragon---

.....

"What the heck Ret-ret?!?! Did you freaking cut your tongue?!?!"

Gulat naman akong napatingin sakanya dahil sa biglaan niyang pag-sigaw. Umiling naman ako at ipinakita ko pa ang dila ko sakanya.

Mas lalong kumunot ang noo niya, "Then why aren't you talking to me?!? All this time, you just nod and shook your damn head!"

Ginaya niya pa ang pagtango at iling ko.

"A-ahh.. S-sorry, wala lang sa mood." Napakamot nalang ako sa ulo at umiwas ng tingin.

'Aishhh! Bat ba kasi naisipan kong iwasan toh?! Nakakailang kasi bigla!'

"Tsk-- Wala sa mood, my ass! You've been like that for three freaking days! And I look like a fool talking here alone! "

Napapikit pa ko nang bigla niyang padabog na ilapag sa lamesita ang hawak niyang chitchirya na halos sumabog pa ang laman. Ramdam ko din ang mabibigat niyang paghinga at pilit kinokontrol ang sarili.

"I'm leaving.. talk to me when you're damn on your mood na!" Inis na tumayo siya at naglakad nang mabilis papunta sa pinto.

"A-Alchel wait!!" Sinubukan ko pa siyang habulin ngunit naisara na niya ng malakas ang pinto at nakalabas na ng unit.

'Aishhh Calie! Anong ginawa mo?!?' Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

.....


"Basta Ale-- wala nga toh! Kulit nyo eh!" Simangot ko sakanya.

"Okay sige.. edi wala sabi mo eh." Kibit balikat ng loka.

"Oy-- pero kausapin mo na yun! Kawawa naman yung tao, buti nga sabi mo at kinakausap kana nang matino at 'di puro sigaw tas ngayon.. siya naman 'di mo kakausapin!"

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now