LUGGAGE
CALIE EVERETT
2-27-2007 <3
Tudey was lily fan!Nagpley-pley kami ni Alchel sakanela. Daladala ko yung mami and baby beyr ko! tapos yung dadi ay yung malaking beyr ni alchel. pero naenes ako kay alchel kase mas gosto nya maglaro ng bola na sinisipa kesa sa pamili beyrs ko hmp! tapos nitamaan niya pa ko sa ulo ng bola pelo nagsoli naman siya agad kiniss nya ren yong ulo ko pala daw mawala yong saket hihi! Pagdating naman ni koya eyden may dala sya sabi nya pampitsul daw ganon sabi naman ni alchel kay kuya pitsul daw kame ngiti daw ngiti kaya ngometi ako kahet bunge hihi tapos nebegay saken ni koya tong papel ang galeng nga eh may mokha namen ni alchel ayon lang masaya lang.alchel <3 letlet
letlet <3 alchel
XOXO nakita ko to sa papel ni koya eh solat ata nya pala kay ate estel kaya negaya ko hihi :)
Natatawa na lamang ako habang binabasa ang sinulat ko noon. If I'm not mistaken, I was 5 years old at that time and my spelling was based on what I heard and since I heard myself pronounce 'R' as 'L', that's what I wrote.
I even copied the 'XOXO' from kuya Aiden's love letter for ate Esther! Gosh! I didn't know I was this innocent before, then now....Oh, never mind!
Binalik ko na muli ang litrato sa frame at itinabi ito sa bedside table ko kasama ang ibang pictures ng taong mahahalaga sa akin.
'So I was really close to Archerr back then. I wonder what will happen tomorrow.' I turn off my lampshade and let sleep cuddles me.
....Flashback....
"Calie baby, we're gonna leave you to Archerr's house again ha? I and your mom are going to work. And kuya Aiden will pick you up after his school okay?" Paliwanag ni Aldo sa kanyang unica hija.
"Okay daddy!"
Tuwing Lunes hanggang Miyerkules ay gawain na ng mag-asawang Gallego na iwan si Calie sa mga Mackenzie na kapit-bahay lamang nila. Close sa isa't-isa ang dalawang pamilya at malaki na rin ang utang na loob nila rito.
Kailangan kasi nilang alagaan ang kompanyang iniwan sakanila ng magulang ni Callynn. Si Aiden naman na kanilang panganay ay kasalukuyang nag-aaral sa elementarya at siya na lamang ang sumusundo kay Calie pagsapit ng kaniyang uwian.
Hindi rin sila kumukuha ng katulong pagkat mas nais nilang kumilos palagi gamit ang sariling kamay at ayaw nilang iasa ang lahat sa ibang tao, na ang tanging gagawin lang nila ay ang swelduhan ito.
Kahit naman madalas busy ang dalawang mag-asawa ay malapit pa rin sila sa kanilang mga anak at hindi nagkukulang sa pagmamahal ang dalawang bata.
Sa katunayan ay tuwing araw ng Huwebes at Lingo ay sabay-sabay silang pumupunta sa Kapilya upang sumamba at pagkatapos ay didiretso sa pasyalan.
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Teen Fiction(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...