HIS DAY
CALIE EVERETT
"Damit kaya?"
"Eh! Madami na yung damit-- mamahalin pa nga!"
Nandito kami ni Diara sa mall at kanina pa kami naglilibot. Siya, andami na niyang napamili pero ako wala pa! Eh ang bibilin ko lang naman ay regalo para sa mokong. Nakiusap kasi si tito na bilhan ko ng regalo yung mokong para sakanya, nagpadala pa nga ng pera eh.
Ako naman, mayroon na talaga kong regalo kay Archerr. Hindi ko sure kung magugustuhan niya pero punong-puno yun ng efforts ko ah! Wag na siya maarte!
"Eh kung belt kaya Diara?" Tanong ko sa kasama ko nang may madaanan kaming belt shop.
"Ay nako magtigil ka!! Baka mamaya ano isipin niya at bakit mo siya binigyan ng belt..." Nanunuya niya pa kong tinignan at nagtaas-baba ng kilay.
'Psh! Kailangan ba lahat may meaning?! 'Di ba pwedeng wala lang talagang maisip?!'
"Eh-- sa dad niya naman galing ah! Ako lang bumili."
"Kaya nga! Ikaw nga bumili---" Napairap nalang ako sakanya. Napapagod na ko maglakad, wala naman mahanap!
"Pabango kaya Calie?" Tinuro niya ang isang elite perfume shop.
"Ay hindi! May pabango na yun--"Agad kong iling sakanya.
"Tsaka napaka bango na lagi nun noh... Ayokong palitan amoy niya.." Bulong ko pa.
"Ano sabi mo?!" Untag sakin ni Diara.
Paulit-ulit na umiling muli ako, "Wa-wala! Sabi ko ta-tara na may naisip na ko!"
"Hindi ayun sinabi mo eh..." Pinanliitan niya pa ko ng mata, hinampas ko nalang siya at hinila sa isang shop.
"Woahhh ang ganda nga Calie!" Impit na tili ni Maisha ng ipinakita ko sakanya ang napili ko.
Napagpasyahan ko na ibili nalang siya ng wrist watch. Lagi ko kasi siyang nakikita na may suot na relo pero iisang design lang yung nakikita ko. At para sa akin kasi nakakadagdag sa charm niya yung pagsusuot ng ganitong accessory. Ewan ko kung ako lang--- basta dagdag pogi points!
Kaya ito-- pumunta kami sa shop ng mga relo at since malaking pera rin naman ang inilaan ni tito ay ang pinaka-magara na ang binili ko.
Its a Sewor's Mens dress Mechanical Skeleton Vintage watch from Malaysia. It has a dark brown leather wrist band and what makes it special is that, you can use it as a watch and a compass. And! The watch itself is freaking made of gold!
Nanghihinayang ako sa totoo lang kasi pwede ng magamit yung malaking pera na ipinambili ko nito sa ibang bagay... pero si tito naman kasi ang nakiusap nito at para sa anak niya toh, so okay na rin.
Hindi ko lang alam kapag nalaman niya na kay tito Liam ito galing ay tanggapin niya ba. Pero hindi ako papayag na hindi! Effort ko rin toh noh!
Ipinalagay ko na sa box ang relo at binayaran na ito. Nag ikot-ikot pa kami saglit ni Diara bago napagpasyahan na umuwi.
.
.
.
.
.
Its Tuesday , August seventeen... Its Archerr's birthday!!! I don't know, but It seems like mas excited pa ko kaysa sa may birthday hehe.
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Teen Fiction(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...