30th Thread: Worth the risk?

119 5 1
                                    

WORTH THE RISK?

CALIE EVERETT

Nang matapos ako sa pagsashower ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Alas onse na ng gabi ngunit parang wala kong balak matulog dahil hindi rin naman ako papatulugin ng mga bagabag ko.

Pumunta nalang ako sa veranda ng unit namin at doon nagmuni-muni. Kanina pag uwi ko ay agad akong sinalubong ni Maisha ng sandamakmak na tanong dahil halata sa itsura ko na may nangyari. Mabuti at nakuha niya na ayaw ko munang pag usapan kaya't hinayaan na niya kong mag-isa.

Napaka gulo naman kasi diba? Hindi kapanipaniwala.. ayokong paniwalaan! Sabi ko pa noon ay ayoko ng ganitong uri ng kwentong pag ibig. Ang daming nangyayari.. hindi na natapos-tapos. Pero anong magagawa ko kung ganito talaga? Kung ito yung nakatakda kong harapin?


Nakakatawa lang isipin na napaka bobo ko sa parteng yon. Archerr... Linden...iisang tao lang pala?! Hah! Sa dami-dami ng ganong pangalan sa mundo-- bakit sa iisang tao pa talaga?!? Nakakatanga lang!

Nung marinig ko palang ang pangalang Linden mula sakanya ay pamilyar na agad sa akin yun.  Yung lumabas yung resulta ng entrance exams kung saan kasama ang full name niya.. yung panahon na nasa Handy's Ground kami.. lahat ng yon napansin ko.

Kaya pala naiisip ko na parang pamilyar lahat ng bukang bibig ni Ale sa akin.. yun pala yun! Dahil kilalang-kilala ko ang taong yun! Ang tanga tanga diba?!?

May mali siya.. at mas lalong may mali ako. Sadyang hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kanina. Ayoko kasi noong ganon. Na kung ano-ano ang sasabihin nang hindi pinakikinggan ang kabilang panig. Alam kong galit siya kaya niya nasabi ang masasakit na salitang yon. Alam kong lahat yun ay resulta ng pagwawala ng emosyon niya. Masakit.. pero alam kong nasaktan ko din siya.


"HINDI AKO MALANDI! AT MAS LALONG WALA KONG INAAGAW SAYO DAHIL HINDI NAMAN NAGING SAYO SI ARCHERR!"

Napabuntong hininga at sabay sabunot sa sarili nang maalala kung ano ang binitawan kong salita kanina.

Kasi naman eh.. kung hindi naman niya ko sinagad at pinakinggan niya muna ko ay hindi yun lalabas sa bibig ko! Kahit naman sakin sabihin yun ay masasaktan ako.

How ironic diba? Hindi rin naman sakin yung taong yun. Parang mas malabo na atang maging akin ngayon. Tama naman si Ale eh.. mali toh. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko para sakanya. Hindi na ba talaga dapat isugal pa?

Alam ko lahat ng nararamdaman ni Ale. Lahat ng yun, sakin niya sinasabi, sakin niya pinagkakatiwala. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganon ang naging aksyon niya. Kung bakit ganon agad ang naisip niya. Dahil ni isa wala kong nakuwento sakanya. Ni pangalan ay hindi ko sinabi. Basta't binanggit ko nalang na nahuhulog na ako. At dahil don naiintindihan ko kung bakit bigla siyang naghinala. Kung bakit sa tingin niya ay inahasan ko siya.

Hindi ko siya masisisi.. pero sana intindihin niya rin ako. Sa dami nang nangyari.. hindi ko na kinonsidera pa ang lahat ng yun. Hindi ko na hinayaang mamalagi pa sa isip ko, lalo na at kung hindi naman ako sigurado at maraming nakaabang na ibang posibilidad. At ang mga panahon na yun ay ang pilit pinipigilan ko ang nararamdaman ko. Na pilit inaahon ko ang sarili ko sa pagkahulog.

Tumingala ako sa madilim na langit at mas bumigat lang ang loob ko nang wala akong makitang buwan at iilan lamang ang bituin na nakalitaw sa ulap. Marahang pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang haplos ng hangin.

'Ama..  hayaang ipaalam niyo po sana sa akin kung ano ang dapat kong gawin. At hayaang sabihin niyo po sa akin kung tama ba toh na subukan kong ipaglaban ang nararamdaman o dapat bang kalimutan nalang... Isang senyales lamang po kung tama na...'

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now