WHEN THEIR HEART SPEAKS
CALIE EVERETT
Mahigit kalahating oras na rin akong nagdadrive patungo sa isang espesyal na lugar para sa akin.
Kalahating oras narin akong pasulyap-sulyap sa kasama ko. Malayo lamang ang tingin niya sa labas ng bintana at panaka-nakang humihinga ng malalim.
Sana panaginip nalang ang lahat ng nangyari kanina. Hindi ko alam kung paano ko naatim na pagmasdan siya na ganon ang kalagayan.
Punong-puno ng luha ang mukha, mga mata na kapag tinignan mo ay mararamdaman mo rin ang taglay niyang sakit. Bawat salita sa nababasag niyang boses na pati puso mo tila hinihiwa. Yung tunog ng bawat hikbi niya...lahat ang sakit-sakit.
Labing dalawang taon? Napakatagal niyang sinarili lahat. Labing dalawang taon na nabuhay sa bangungot. Hindi ko maisip kung paano niya nakaya, kasi kung ako yun? Malamang ngayon wala na ko, na baka ano-ano na nagawa ko sa sarili ko.
Ilang minuto pa ay pinarada ko na ang sasakyan. Nilingon niya ko at nginitian ko siya bago bumaba ng kotse.
Pumunta ko sa trunk at kinuha ko ang dala kong picnic basket at gitara ni kuya Aiden.
"What are those?"
Takang tanong sakin ng kasama ko nang makita ang mga bitbit ko.
Tinagilid niya ang ulo niya, "Did you plan this?"
Bahagyang tinawanan ko siya at kagat labing tumango.
"Plano namin ni kuya na dumiretso tayo dito pagkatapos salubungin yung new year..." Kibit balikat ko sakanya.
"Sayang naman kung 'di natin tutuloy, so dito nalang natin salubungin, tutal may isang oras pa!"
Halos mawala na nga sa isip ko na magnu new year na nga pala. Ngayon ay may isang oras pang natitira at ayoko naman na magmukmok lang kami sa condo, tsaka gusto ko din siyang ilayo doon. Na kahit papano may payapang puso parin siya sa pagsalubong sa bagong taon.
Kinuha ko ang kanang kamay niya at hinila papapaakyat sa isang munting burol. Nandito kami sa Big Handy's Ground, sa Tanay Rizal.
Pag pumunta ka rito parang nasa malayong probinsya kana rin dahil sa daming puno at halaman sa paligid. At dito sa munting burol na toh ang pinaka gusto ko.
Madalas tong puntahan ng mga tao dahil napaka gandang mag star gazing dito. Kapag nasa taas ka ng burol tila napakalapit mo lang sa kalangitan at maaabot mo ang mga bituin at buwan.
May mga panahon na pwede ka rin makakita ng ibang planets dito...malayo kasi ito sa syudad kaya masasabing hindi gaanong polluted ang lugar na ito kaya rin siguro mas visible ang night sky dito.
YOU ARE READING
Betwixt This Forbidden Love
Teen Fiction(The Eclipse) ‼️COMPLETED‼️ WILL SHE LOSE HER FAITH JUST TO CHANGE THEIR FATE? "Pareho naming pinili na umalis sa piling ng isa't-isa, pareho rin naman naming pinili na manatili. Ngunit lahat ay sa magkaibang panahon. At sa mga pagkakataon na yun, b...