20th Thread: Dad

149 4 1
                                    

DAD

CALIE EVERETT

"Oh milktea mo." Lapag ni kuya Aiden sa order ko.

Its Sunday and like what I said, magbabonding kami ni kuya. Yesterday was a blast actually. After nilang mag-usap ni Archerr ay umalis na kami.

Hindi ko nga alam anong pinagusapan nila. Basta naabutan ko sila na seryoso sa pag-uusap pagkatapos nilang gamutin yung bangas nila. Tinanong ko si kuya pero wala naman akong nakuhang matinong sagot, psh.

And now, continuation lang ng bonding namin. We already went to a lot of places and we even visited a zoo and donated an amount like what we always do before.

Its night time and we're here at a cafe near Avida Towers. Nagpapahinga lamang matapos ng mahaba-habang byahe.

"Did you have fun baby siz?" Baling sakin ni kuya bago uminom ng kape niya.

"Of course! I really miss doing this with you kuya... I just hope mom is here." I pouted.

I really had fun with him. Iba parin kasi talaga pag pamilya mo na ang kasama mo sa ganitong pagpapasyal. Its been what? Two years since we've last do this.

"Ahuh! Maybe next year?"

"Why? How long are you planning to stay here?" Kunot noo ko sakanya.

"I don't know. Pero next month magsa start na kong ihandle ang branches natin dito. So I guess matatagalan ako..." Ngiti niya sakin.

"Really?!?! Then good!" Nanlalaking matang sagot ko dahil sa pagkatuwa.
Tumawa't ginulo naman niya ang buhok ko kaya't bigla akong napasimangot.

"Sabi ko naman kasi sayo, doon kana mag-aral! Para kasama mo kami lagi!"

"Ehh--- ilang taon nalang naman kaya okay na toh!" Pagdadahilan ko pa.

Matapos kasi akong mag senior high school ay nag- suggest na sila na doon ko na sa Canada ipagpatuloy ang studies ko. Tumanggi naman agad ako, dahil bukod sa mami-miss ko ang mga kaibigan ko eh mahirap makisama sa bagong environment noh, spokening dollars pa dun. Tsaka ko na aalalahanin yun pagka-graduate ko.





"Calie, let me ask you something.."

Napalunok at ayos naman ako ng upo dahil biglang sumeryoso si kuya.

"G-go ahead.." Mahinang sagot ko.

Huminga siya ng malalim at tinignan ako nang masinsinan."Do you like Archerr?"

Tila nanlamig ako at sandaling nahugot ang paghinga. Nanlalaking mata at bibig ang hinarap ko sakanya.

"Ha-huh?!" Di makapaniwalang saad ko.

'Bat naman ganon yung tanong?! Bat kailangan ganon?! Diretsyahan? Pwede easyhan lang?! Juice meh!'

"Why so surprised? Its possible.." Taas kilay niya sakin.

"H-hindi!! Ano kaba kuya! Doon pa sa mokong na yun?! Hinding-hindi!" Agad na tanggi ko at sinamahan pa ng paulit-ulit na iling ng ulo.

'Shet naman! Halata ba ko?!? Hindi naman ah! Ba-bat ganon?!'

Pinanliitan niya pa ko ng mata at nanlalamig na sinalubong ko lang ang tingin niya. Para niya kong ina-assess kung nagsisinungaling o hindi!

Maya-maya pa'y bumuntong hininga siya at tumango. Bahagya ang nakahinga nang maluwag at nanginginig na uminom nalang sa milktea ko.



"Kailan pa?..." Marahang tanong niya habang wala sa akin ang tingin.

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now