28th Thread: The other side of the eclipse

133 6 1
                                    

THE OTHER SIDE OF THE ECLIPSE


CALIE EVERETT

Nag unat-unat ako pagkatayo sa kama. Alas syete palang pero kailangan ng bumangon.

Wala na naman kaming klase ngayon dahil nag end na ang school year last week, sa wakas!!!

Pero dahil espesyal ang araw ngayon at eggzoited narin ako kaya't gising na ang diwa ko. Dumiretso na ko sa banyo at ginawa ang morning routine ko.

Pagkatapos ng lahat ay lumabas na ko ng kwarto at bigla kong natigilan nang buksan ko ang pinto ay may sumalubong saking putok at makukulay na papel.


"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!.."

"HEY! HEY!"

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!.."


"HEY! HEY!"

Nakagat ko nalang ang labi ko nang sumalubong sa akin ang kumakantang sila Maisha na may hawak na banner, si Diara na siyang nagpaputok ng party popper at si Kuya Aiden na may hawak na cake.


"HAPPY BIRTHDAY....HAPPY BIRTHDAY!!!"



"HEYEHEY!"


Natawa nalang ako sa kalokohan ni kuya na pasecond voice second voice pa. Timang talaga!



"HAPPY BIRTHDAY CALIE!!!!!"


"YEHEYEY!!!"


Pagtapos nila sa pagkanta at inilapit na sa akin ang cake upang hipan ang kandila. Pumikit muna ako at nagwish bago ito tuluyang hipan na sinundan nila ng palakpakan.

"Happy birthday baby calie!!" Malambing na bati sa akin ni kuya at nginusuan ko siya.

"Bente na ko kuya!!! Tama na ang baby-baby!"

Nginiwian naman niya ko at inilapag ang cake sa lamesita. Napalingon naman ako nang sikuhin ako ni Diara na may nanliliit na mata.

"Tama na daw baby-baby pero pag si ano----hindi magkamayaw yang puso mo...nako ah! Wag ako!"Madiin na bulong niya sa akin at agad naman akong pinamulahan ng pisngi.

"Bunganga mo!!" Panlalaking mata ko at inirapan lang ako ng bruha.

"Ready kana ba later Calie?"

"Uhmm.. siguro. Pero kinakabahan ako eh! Kasi naman kuya--- sinabing wag ng magpaganon eh!"

Simangot ko sakanya at umupo na sa tabi nila dahil hinihiwa na ni Maisha ang cake. Gandang almusal ah-- healthy para more diabetes, psh.

"Ngayon ka na nga lang uli mag gaganon ano kaba! Nung debut mo nga tinanggihan mo na eh---" Taas kilay niya sa akin.


Nagplano kasi sila ni mommy na mag-set ng birthday party ko. Gaganapin lang naman yun sa isang cafe mamayang hapon at iilan lang din ang inimbitahan ko dahil una sa lahat eh ayoko naman talaga nito, psh!

Sadyang sinabi lang nila sakin kung kailan set na ang lahat, doon ba sa hindi na ko makakatanggi pa. Magagaleng!

And yup! Hindi ako nag debut party noon. Syempre mas pipiliin ko ang kotse at pera nalang noh! Kesa mga pasayaw-sayaw pa tas rosas na malalanta lang ang iuuwi ko, hmp!



"Ayyy basta! Bahala na!" Buntong hininga ko nalang.

"Talagang bahala na! Mamaya mga alas dos pupunta na rito yung mag-aayos sayo..."

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now