Last Thread

104 8 3
                                    

IN BETWEEN THE THREAD

CALIE EVERETT


Nakapangalumbaba ako and I was just humming my favorite song when I suddenly felt a presence approaching on my direction, based on the sound of its footsteps.

Napahinto ako sa pagkanta at pinakiramdaman ang paligid ko. I know its just a single person dahil sa paghakbang nito.. and would you call me weird if I think that somehow.. I knew whose footsteps it is?

Arghhhh! I know its weird, but I really think.. OH! WOW CALIE! Why would that person come here?!

I gulped when I felt a presence on my right side. Natigilan ako at pinakiramdaman ang sarili. Sa pagsimoy ng hangin ay napahigpit ang hawak ko sa bakal na railings at mabibigat ang pagtibok na ginawa ng puso ko.. dahil may biglang humalimuyak sa ilong ko.

Its a very very familiar scent. A scent who never fails to make me crazy. A nostalgic scent who brings back a lot of things. Its lingering again now.. in my nose. And there's only one person I know who wears that scent too often. He didn't change it.. and I know its him for his mere presence can already make my legs wobble.

Shit. The footsteps.. the scent.. heck, I can still recognize it! I know I'm weird.. But heck! Is he really here?!? Like.. right beside me?!?


Bigla kong naestatwa sa kinatatayuan ko at halos hindi na rin ako humihinga dahil mas lalo ko lang naamoy ang pabangong yun at hindi maganda ang nagagawa nun sa nararamdaman ko. I don't know how should I react. What should I do?! And I don't even know why is he here!


I can see him on my peripheral vision, and he's looking so good! Nakatingin lang siya sa harap na may kalmadong ekspresyon. Ramdam ko ang bigat at bilis ng tibok ng puso ko lalo na at masyado kaming malapit sa isa't-isa, tipong isang galaw ko lang ay magtatama na ang mga siko namin at sigurado akong magbibigay lamang iyon ng boltahe ng kuryente sa akin.


Nakagat ko nang mariin ang labi ko nang mabigat siyang bumuntong hininga at sa mga oras na yun ay alam ko, na sisimulan na niya kung ano pa man ang ginagawa niya rito.

Kita ko sa gilid na sinulyapan niya ko at pinagmasdan ang kabuuan ko, nagtagal ang tingin niya sa bandang leeg ko, na alam kong pinagmamasdan niya ang kwintas na suot ko. Mas lalo naman akong natuptop nang ngumuso siya na tila pinipigilan ang isang ngisi.

Hindi ako makatingin sakanya dahil feeling ko isang tingin ko lang.. baka magawa ko ang hindi ko na dapat pang gawin.


"Hi.." Tuluyan kong nahugot ang hininga ko dahil sa napapaos niyang tinig.

Mabuti't sa harap na muli siya nakatingin dahil biglang nagtubig ang mga mata ko. Antagal ko ring hindi narinig ang boses na yun.. ang tagal ko ring inasam na muling marinig yun.. naisip ko pa nga na sana pala.. nirecord ko ang boses niya noon para sa tuwing kailangan ko ay mapapakinggan ko. Tila hinanap-hanap ko ang pakiramdam na nabibigay ng isang tinig na yun.

"I said, hi.." Mas mahinang sambit niya ngayon at sinulyapan ako sa gilid.

I bit my lower lip harder to stifle a smile and took a deep sighed before answering to him.

"He-hello.." Aiish! Awkward.

Hindi ko pa rin siya hinaharap ngunit sa gilid ng mata ko ay batid ko ang pagngiti niya bago muli tumingin sa langit.

"The sky is beautiful.. its almost.. s-sunset." Napayuko ako nang mahimigan ang bahagyang pait sa tono niya.

Ahuh. Its almost sunset. More minutes and its gone.


Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now