8th Thread: Linden

166 7 2
                                    

LINDEN

CALIE EVERETT

Mahigit twenty minutes na kong naghihintay dito at lumalamig na rin. Traffic na naman siguro kaya talagang matatagalan si Archerr.

Itinabi ko na lamang ang cellphone ko sa bag at marahang sinandal ang ulo sa bench. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

To be honest, I don't mind being left alone. As long as I am in a safe place with a relaxing ambiance like this. Its so peaceful.. makakapag-isip ka nang mabuti o kaya naman ay mapapayapa ang utak mo.

Hindi ako gaanong extrovert, I do clubbing and partys with my friends-- minus the alcohol, yes but I also have an introvert side. Madalas ay mas gugustuhin kong maiwan sa kwarto basta may gadgets, wifi, books and foods. I think I can be stuck there for a week or so.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nanatili parin akong nakapikit. May narinig akong tunog ng makina mula sa 'di kalayuan.



Maya-maya pa ay may mga yapak na papalapit sa direksyon ko. 'Baka yung mokong na yun..'

"Tsk--" Confirm! Siya nga!

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita siyang nakapamulsang nakatayo sa harap ko. Naka plain black shirt at black shorts lamang siya ngunit napaka-lakas na ng dating nito, psh!


"He really did leave you alone here huh?" Nakangising tanong niya at tinaasan ako ng kilay.



"He got a call from his mom and told me that there's an emergency at their house, he explained why he can't take me home so--"


Nakakunot parin ang noo niya at parang inis na may ibinulong sa hangin pero 'di ko narinig kung ano iyon.


"What did you say?!" I asked him. He look back at me and rolled his eyes. 'Bwisit toh umiirap pa!'


Hindi niya sinagot ang tanong ko at umupo nalang siya sa tabi ko. Tumingin siya sa dalampasigan at sinandal ang likod sa bench.



Sa pagtingin ko sa kanya ay bahagyang nakita ko ang pagkalma ng kanyang awra. Mukhang narerelax din ito sa tunog ng mumunting hampas ng tubig.



"Its relaxing here isn't it?" I softly asked him as I return my gaze in front.


The night was so mellow, the wind is kinda chilly every time it touches your skin.. the dark sky is full of bright stars and a beautiful full moon. The sound of the waves and the quietness of this place just made it more unwinding.


'Di siya nagsalita ngunit nakita ko ang pagtango ng kanyang ulo. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan kakalma ang itsura, bukod noon pag natutulog siya.



Muli ko siyang tinignan at pilit tinago ang ngiti ko nang mapadako ang tingin ko sa mga mata niya. Nagrereflect dito yung ilaw galing sa buwan.. ang ganda pagmasdan, mas lalo lang ako namangha.


"Stop staring.. that's bad." Marahan na bigkas niya na siyang nagpa-iwas sa akin ng tingin.

'Sabi ko nga bad yun eh hehe.'

Pero--kahit ang boses niya-- ang kalmado, ang saya lang na hindi siya sumisigaw o busangot.


Namayani sa amin ang katahimikan na siya rin naman ang bumasag--

"Everett..." Pagtawag naman niya sa akin.

'Ayan na naman siya sa pagbigkas niya ng pangalan ko...'

Betwixt This Forbidden LoveWhere stories live. Discover now