Note: First time ko po gumawa ng story so please support! Nais ko lang po maibahagi yung story na tumatakbo saken utak! Salamat po if may susuporta and salamat din po if may makokornihan, mapapangitan, madadramahan, o ano pa man! If ayaw niyo don't continue to read na lang po! THANKS!! #NewbieInWriting! #NoHate #Spreadlove
#AlmostMaaga kong nagising dahil ito ang unang araw ng klase namen. 3rd year College na ko at nakaka excited dahil malapit na malapit na ko sa pangarap ko. Nag ayos na ko at agad na umalis upang hindi ako malate sa unang araw. Its always the same, kung sino kaklase ko noon ay kaklase ko padin hanggang ngayon dahil hindi naman kalakihan ang school namin pero hanga ako dahil may sariling parking ito at sosyal yung ID iniiscan.
Naglalakad na ko papuntang classroom ng may biglang tumawag saken.
"Celestine!!"- napairap ako sa babaeng tumawag saken.
"Pia Sabing wag mo kong tawagin sa ganyan eh!!!"- tinapik ko ang braso niya ng nakatapat ko siya.
"Paano pag baba mo ng jeep tinawag kita pero hindi mo ko narinig!"-
"Hindi ko nga narinig! "- napatawa ako sa kanya dahil halatang napagod sya kakatawag saken.
"San ba room naten? Second floor ba ?"- tanong niya saken. Tumango naman ako. Umakyat na kame sa magiging room namen at nasa labas pa lang kame ay rinig ko na ang ingay mula roon. Pumunta kame ni Pia sa second row kasi may nakaupo na sa unahan andoon na din sina Jessy at Vali na nag uusap.
"Oh! Kamusta bakasyon niyo?"- tanong ni Jessy ng maupo kame..
"Ayos lang ako sa bahay lang,"- bored na sabi ni Pia
"Ganon din ako sa bahay lang.."- sagot ko naman.
"Ako ayun puro bundok din ang hinarap dahil tumulong kina Mama,"- sabi ni Vali
"Eh ikaw Jessy?"- tanong ni Pia
"Edi puro gala,"- tatawa tawang sabi ni Jessy
"Sana all,"- bored na sagot nameng tatlo nina Pia. Sana all talaga dahil sameng apat siya ang mapera dahil lahat ng gusto niya nasusunod. Si Vali may kaya naman siya pero nag rereklamo siya dahil lage siyang pinatutulong ng magulang niya sa lupain nila. Si Pia teacher ang mama niya at ang papa niya nasa abroad. At ako? Simpleng mamamayan lang. Nasa Abroad din ang Nanay. Lumaki ako sa isang broken family pero kahit ganon andyan naman ang Ate at Nanay ko para suportahan ako.
Dumating na ang unang Prof namen. Dati na nameng Prof ang dumating kaya naman kilala na namen siya. Siya si Ms. Zonia De Guzman, sobrang baet ng guro na ito kaya naman halos lahat kame nakikinig sa kanya dahil mataas respeto namen sakanya dahil sa sobrang baet niya.Akala ko hindi na siya mag papa introduce dahil kilala niya na kame pero nagkamali ako.
"Yung dati sa school na ito kung napapansin niyo ang dame nateng transferee.."- napatingin ako sa buong classroom at tama siya marami ang bago siguro nasa 15 sila kaya need din kasi namen na mag pakilala..
"So Introduce yourself tayo,"- ngumiti si Ms. Zonia at agad na umupo at tumingin sa unang row ng mga naka upo. Nag pakilala na ang lahat at ng turn ko na ay tumayo na ko.
BINABASA MO ANG
ALMOST
General FictionPwede mo bang sabihin saken na pwede mo bang mamiss yung taong hindi naman naging sayo? Paano ko aalalahanin ang lahat kung wala naman kameng nakaraan? Paano ko sasabihin na baka pwede pa kung huli na lahat? Paano ko sasabihin sa kanya to lahat ku...