TWENTY

25 0 0
                                    

"Hindi mo naman ako minahal!"- galit na turan ni Migo sakin habang ako'y umiiyak.

"Hindi totoo yan!"- sigaw ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin at umalis siya.

Napamulat ako ng mata ng maisip na panaginip iyon. It's been a year hindi ko na din naman siya iniisip at bakit biglang nasa panaginip ko siya. Hindi ko pinansin ang panaginip na yun pero isang gabi napanaginipan ko na naman siya not once but thrice.

"Alam mo ba Ma'am nakaka danas ka ba ng hindi mo na naiisip pero napapanaginipan mo pa?"- tanong ko kay Ma'am She na manager namin dahil kasabay ko siyang kumaen.

"Huh? Hala Gwen! Nararanasan ko din yan!"- napangiti ako sa kanya.

"Pano Ma'am?"- tanong ko sa kanya.

"Kasi may ex ako,hindi ko na naman siya iniisip dahil hello! may asawa na ko at tatlong anak pero naghiwalay kami ng biglaan na lang walang closure.."- sabi niya

"Naghiwalay kayo Ma'am means naging kayo? Eh pano naman yung akin hindi naman naging kami?"-

"Ha? Hindi naging kayo? Oo naging kami.."-  tumango ako sa kanya.

"Buti pa kayo Ma'am.."- natatawa kong sabi sakanya.

"Actually seaman kasi siya ngayon Gwen tapos ang laki ng bahay nila sa Probinsya.."- sabi niya. Doon pa lang nagets ko na, kahit hindi niya aminin sakin naiisip niya na kung nag tagal sila at sila pa din andoon siya sa buhay ng babaeng asawa ng ex niya noon."Masaya ako sa asawa ko dahil siya ang nag paaral sakin, wala ako sa pagiging manager kung hindi dahil sa kanya.."- nakangiti niyang sabi. Yes Ma'am, alam ko naman thankful ka dahil sa asawa mo pero hindi mo  mapagkakaila na nanghihinayang ka sa Seaman dahil mas maganda ang buhay niya saiyo.

"Baka need niyo po ng Closure?"- sabi ko sa kanya

"Hindi na siguro dahil may asawa na siya at ako.. I respect his family, lalo na pamilya ko."- sabi niya.

"I-google ko na lang Ma'am ang reason bakit ganon."- nag labas ako ng cellphone at sinearch pero lumabas doon ay may unfinished business pa daw pag ganon.

"Unfinished business? Baka nga closure.."- sabi ni Mam She. Closure? Sometimes having a closure is not a closure. At isa pa hindi naman naging kami ni Migo! Tinapos na lang namin ni Mam She ang pag kaen namin dahil may trabaho pa kami.

"Girlfriend ko po pala.."- pag papakilala ni  Migo sakin sa kanyang mga magulang.

"Hija ikaw pala yung laging binabanggit ni Migo sakin.."- nakangiti niyang sabi sakin at agad akong pinamulahan ng pisngi.

"Hindi naman daw naging sila ah? bakit may pagpapakilala???"-

Bigla akong nagising ng umeksena sa panaginip ko si Vivian. What the fcking fudge?! So may unfinish business pa ko kay Vivian? Napairap na lang ako at nag ayos na dahil may pasok ako.

Hindi lang ilang beses ko napanaginipan si Migo, kung hindi araw araw ay alternate naman! Kaya ng nagkatime si Vali at Jessy ay nakipag kita ako busy din kasi si Vali dahil may apply na siya sa coast guard pwede kasi doon ang naka 72 Units, samantalang si Jessy ay waiting na pa canada, si Pia naman ay patuloy na nag rereview para sa next try niya sa board.

"Seryoso?"- sabi ni Vali sakin. Wala ang anak niyang si Hella dahil sa Lola niya sa puder ng nanay niya dahil naging okay na din sila. Kinuwento ko kasi sa kanila ang napapanaginipan ko.

"Panaginip lang yan Gwenny, wag kang maniwala doon."- sabi ni Jessy habang kumakaen ng pasta.

"Pero bakit kasi ganon.."- sabi ko sa kanila. Napapaisip din kasi ako, kamusta na kaya si Migo?

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon