NINETEEN

22 0 0
                                    


"Gwen?"- tawag ni Pia sakin pero hindi ko sila  pinansin dire diretso ako sa loob ng reviewer. Ayoko sana umattend pero wala naman akong choice, absent na ko kahapon.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay.
"Alam mo bang may girlfriend si Migo?"- tanong niya kaya agad akong napailing. Napasinghap si Jessy at Pia sa sinabi ko, eh bakit hindi ko naman talaga alam.

"What?"- sabi ni Jessy na halatang nagulat.

"Sasama ba ko doon kung alam kong may girlfriend siya."- sabi ko sa kanila

"Taon na ang lumipas syempre marami ng nagbago."-sabi ni Pia kaya naman napairap ako sa kanya.

"Alam ko! Ganon ba ko kabobo para di malaman yun! Bakit kasi pumayay payag kayo na matulog ako don, tangina!"- kagat labi kong sabi sa kanila kaya pareho silang natahimik parang kasalanan ko pa, sino bang nag padala pa ng damit para doon ako matulog at pumayag!

"Gwen let's talk."- napatunghay ako sa lalaking nasa harap ko na kasunod niya si Karlo kaya blankong mukha ang hinarap ko sa kanya.

"Ayokong makipagusap."- sabi ko sa kanya tsaka inilihis ang tingin sa kanya.

"She is not my girlfriend Gwen, she's my ex.."- madiin niyang sabi sakin pero wala kong pakialam. Wala din siyang pakialam kahit medyo madami na ang tao sa loob ng review center. Ex niya na pero hinalikan  pa siya? Gusto kong sabihan yan pero ayokong magmukhang nag seselos.

"So what?- tanong ko sa kanya.

"Pwede bang for once makinig ka naman! Hindi ko girlfriend si Venice! Ex ko na siya at palagi siyang humahabol sakin na parang kami pa!"- napataas na yata ang boses niya dahil ramdam ko ang pag pikon sa boses niya.  Bakit ba lahat ng babae na naaattach kay Migo ay palageng ganto? Tapos na sila pero hinahabol padin?! Vivian lang? tas Venice? Ayos puro V ah?!!

"Migo bakit ka ba nag papaliwanag pa,hindi naman tayo diba?"- diretsong sabi ko sa kanya at napatigil siya doon. "Anong point?"- nakangiti kong sabi sa kanya habang siya'y nakatulala sa mga sinabi ko.

"Pakiramdam ko kailangan ko mag paliwanag sayo.."- diretso ko siyang tiningnan sa mata bakas ang halo halong emosyon doon.Kailangan mo talagang mag paliwanag! Bakit di mo sinabi?

"Kasi baka masaktan ako?Ayos lang hindi mo ko girlfriend.."- sabi ko sa kanya ng hindi inaalis ang paningin ko sa kanya. Para mapagtakpan mong hindi ka nasasaktan at hindi kaawaan dahil sa nararamdaman mo ay mag panggap kang hindi nasasaktan.

"Pero mahal kita.."- hindi na mapigilang bumagsak ang luha ko kaya agad kong pinunasan iyon. Nakakahiya na ganto ang eksena namin at nasasabi niya to sa harap ng maraming tao. Hindi na ko nakasagot dahil dumating na ang lecturer, inayos ko ang sarili ko at nanatili ding tahimik sina Pia at Jessy.

Nakauwe na kami sa dorm at hindi ko pa kinakausap sina Jessy. Ayoko muna ng kausap, nag kulong ako sa kwarto at doon nagpalipas ng gabi. Kumatok si Jessy pero hindi ko siya pinagbuksan pero ng si Pia na ang kumatok ay binuksan ko dahil parang masisira ang pinto sa kanya.

"Ano ba!"- sigaw ko sa kanya at nakapameywang siya habang taas kilay na nakatingin sakin.

"Kailangan mong sumabay samin kumaen! Ano ba inaarte mo dyan!"- sabi niya. Ako pa nagiinarte? Hindi niya ba alam ang sakit na nararamdaman ko ngayon?!!

"Nag iinarte? Seriously Pia?!"- halata namang nagulat siya sa sagot ko kaya naman dumiretso siya ng tayo. Hindi ako nakikipagbiruan sa kanya.

"Okay Gwen, Im sorry okay!? If you want someone to talk,andito ako! Andito si Jessy at Vali! What is wrong? May masakit ba?"- tuloy tuloy ang at tanong niya kaya naman napangiti na lang ako sa kanya.

"Arte mo! Kakaen na ko.."- maluluha na sana ako pero ayokong umiyak. Ayoko na munang umiyak ng dahil kay Migo at tsaka kailangan ko mag pokus sa board exam ko. Tahimik kaming nakaen ng magsalita si Pia, di talaga mapigilan ang bibig niya.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon