FIFTHTEEN

21 0 0
                                    

Papasok na kmi ng room nina Pia at kating kati na siyang makita si Jasper. Nandoon na daw sila kasama pati sina Migo sabi ni Vali dahil nauna siyang pumasok samin.

"Kalma ka lang Pia!"- sabi ni Jessy habang nasa hagdan kami.

"Community service ka pagtapos niyan.."- sabi ko kay Pia. Hindi siya sumagot at dire diretso sa loob ng pintuan ng room. Nagtama agad ang mata namin ni Migo kaya naman tipid akong napangiti. Nagulat ang lahat ng magtapon bigla si Pia ng tatlong libo kay Jasper na sinamaan agad ng tingin si Pia.

"Tatlong libo para sa cheap na tulad mo!"- sigaw ni Pia at may kinuha pa sa wallet na dalawang libo. "Oh baka kulang!"- hagis niya

"What the fvck is wrong with you!"- tumayo si Jasper at tinitigan ng masama si Pia pero hindi nagpatinig si Pia.

"Kapal ng mukha mo! Akala mo naman napakagwapo mo! "- sabi ni Pia sa kanya

"Oo, patay na patay ka nga sakin diba?"- mayabang na sabi ni Jasper kaya napangiwi si Pia maging ako.

"Mapapatay kita!"- nagtayuan ang lahat ng sinapak ni Pia si Jasper kaya naman hinala agad siya ni Migo at pumagitna. Samantala kaming tatlo ay nananatiling nakatayo lang dahil gigil na gigil talaga si Pia sa kanya.

"Gago ka!"- sigaw ni Pia habang dinuduro si Jasper na medyo dumugo ang labi.

"Bakit ayaw mong pigilan yang baliw niyong kaibigan!!"- sigaw ni Melissa kaya nanlisik agad ang mata ni Pia.

"Usapang matatapang to hindi usapang duwag kaya manahimik ka!"- sigaw ni Pia kaya napatawa kami nina Vali.

"What did you say?!!"- sigaw ni Melissa sa kanya at lalapit na sana pero pumagitna na si Migo.

"Tumigil nga kayo!"- sigaw niya kaya tanging masasamang tingin na lang ang nangibabaw sa kanilang lahat.

"Ikaw may alam ka bang pinagpustahan ako ng mga magagaling mong kaibigan?"- sabi ni Pia kay Migo kaya kunot noo siyang tumingin kay Pia.

"What?"- salubong ang kilay niya habang sinasabi niyo

"Yes! Yang duwag na yan at GGSS na yan pinagpustahan ako!"- sigaw muli ni Pia kaya napabaling ang tingin ni Migo kina Melissa na masama pa din ang tingin kay Pia.

"Ginawa niyo yun?"- tanong ni Migo. Wala talagang alam si Migo dahil kung may alam siya hindi ganto ang reaksyon niya.

"N-Naglaro lang kami.."- sagot ni Melissa at napatungo.

"What?Fck you! I'm not a game! Gusto mo ng laro halika pag bibigyan kita!!!"- hinablot niya si Melissa kahit pumagitna na si Migo. Nag kagulo na si Melissa at Pia kaya naman pumigil na kami pero masyadong nag kakagulo na ang bawat panig.

"Fvck! Not my Gwen!"-hinila ako ni Migo at kasabay noon ang malakas na kalampag sa pinto.

"Formation tayo."- kagat labing akong napatingin sa aming Prof. na isang pulis. Siya ang Tatay namin sa buong Criminology Department. Shit! Kala ko naka leave siya! Agad agad kaming bumaba at kanya kanyang inayos ang sarili. Naka form na kami ng nagsalita siya.

"Hindi na ko magtatanong kung anong nangyayari pero kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat."- mahinahon niyang sabi. "Ang aga aga pa, kababalik ko lang ito ang sasalubong sakin."- para kong napapahiya sa sinabi niya. Class President pa naman ako tapos hinayaan ko na humantong sa ganito." Give me 100 pumpings, Now!!"- sigaw niya kaya sabay sabay kaming nagbilang ng one to one hundred. Oh shit nasa 50 pa lang sumasakit na legs ko.

"Sabay sabay papaulit ko sa inyo yan!"- sigaw niya ulit. Kaya sa abot ng aming makakaya ay nag sabay sabay kami. Natapos ang 100 pumpings at halos mangatog ang aking legs.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon