TWENTY ONE

29 0 0
                                    


Napatigil ako sa sinabi niya at hinarap siya. Ano naman pag uusapan namin? Wala naman na siguro.

"Tungkol saan?"- nakangiti kong sabi sa kanya.

"Satin.."- napalunok ako ng sabihin niya yung salitang satin.

"Satin? Wala namang satin Migo."- mapait akong napangiti sa kanya.

"Oo nga pala.."- natawa siya at napahawak sa kanyang sintido dahil kahit siguro siya hindi makuha ang salitang bagay saming dalawa. "N-Namiss kita Gwen.."- tumingin siya sakin na may seryosong mukha at mababasa mo sa kanyang mata na sincere ang mga sinasabi niya. Still the same Migo, napaka honest na tao. Kagat labi kong inilihis ang aking mata sa kanya baka madala ako at hindi ko maisip si Trevor. Naka kaba naman yung mga binibitawan niyang salita.

"Namiss din kita.."- mahina kong sabi. "As a friend.."- napatawa siya sa sinabi ko kaya naman tumingin ulit ako sa kanya.

"What?"- tanong niya dahil nangunot ang noo ko sa pagtawa niya.

"Bakit ka natawa?"-

"Wala, natawa lang ako."- sabi niya tsaka umubo para mawala ang pagtawa niya.

" Uuwe na ko, salamat sa paghatid.."- sabi ko at tsaka bumaba na ng kotse niya.

"Are you mad?"- tanong niya sa kabila dahil bumaba siya ng kotse.

"Saan?"- kunot noo kong tanong

"Sa sinabi kong miss kita.."-

"So nagalit ka din ba nong sinabi kong namiss din kita, bilang kaibigan?"- taas kilay kong tanong sa kanya.

"No, I'm so happy.. heaven.."- ngumiti siya ng pagkagwapo gwapo na akala mo naman wala ng bukas. Shit! Namiss ko yata talaga si Migo. Hindi ko naman siya iniisip  noon at ngayon lang kami nag kita ulit pero bakit naman ganto." Lalo kang gumanda.."- halos tumalon ang puso ko ng sabihin niya yun tsaka siya pumasok sa sasakyan niya. Napatulala ako sa kanya habang siya'y ngising ngisi. "Hey, wag kang kiligin.. Umuwe kana!"- sabi niya tsaka ko inirapan si Migo at naglakad na dire diretso. Alam kong namula ako dahil uminit ang nararamdaman ko lalo na ang tenga ko. Kung malandi niya ko parang di niya alam na may boyfriend ako? At wala ba siyang girlfriend?

Nakakunot ang noo ko habang nag sisipilyo dahil iniisip ko ang kalandiang taglay ni Migo kanina. Bakit parang ang dali sa kanyang maging pormal kami? Totoo din naman na mabilis akong maka move on lalot diko nakikita ang tao o nakakasama pero sa tuwing makikita ko, mag sasalita ang tao or lalapit sakin grabe nagugulo sistema ko. Kagaya ni Migo hindi ko alam pano niya nagagawa sakin to.

Nagising ako sa isang doorbell kaya naman napabangon ako. Ang aga aga naman para manggulo, imposibleng si Trevor dahil may susi naman yun.

"Ma'am Magandang umaga!"- tumango na lang ako at napapikit dahil sa sinag ng araw.
"Pasensya na po naabala ko kayo, pero may nag papabigay po nito."- napamulat ako at nakita ko ang isang bouquet ng white roses binigay  niya sakin yon.

"Kanino to galing?"-

"Hindi ko po kilala basta ibigay daw po sainyo."- tiningnan ko ang envelope na maliit na nandoon hindi ko muna binuksan dahil may binigay pa ulit si Manong na isang paper bag at saka siya umalis.

Pumunta ako sa sala at tiningnan ang nasa paper bag, napangiti ako ng makitang breakfast meal ang nandoon at isang cup of coffee. Tiningnan ko ang envelope at nanlaki talaga ang mata ko sa nakita ko.

Good morning Celestine! Have a great day!
        -MV

Napalunok ako at dahang dahan binaba ang envelope. Kinakabahan ako sa mga mangyayari dahil alam kong may boyfriend ako at alam kong mahal ko si Trevor pero bakit, bakit apektado pa din ako kay Migo? Bakit ganto?!

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon