SEVEN

22 0 0
                                    

Titig na titig ang lumuluha niyang mata sakin. Napapikit ako habang papalapit sa lalaking basang nasa din tulad ko.

"M-migo."- tawag ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Iniwas niya ang tingin niya sakin at tsaka tumayo at tumalikod.

"Migo p-please kausapin mo ko."- sabi ko sa kanya habang nakatalikod siya. Para akong nawawalan ng hininga dahil sa halo halong nararamdaman ko. Hindi siya tumingin sakin bagkus ay nanatili siyang nakatayo habang naririnig ko ang impit niyang singhot.

"What for?"- namamaos niyang sabi napalunok ako at hinayaan ko siyang nakatalikod sakin."Nasasaktan ako Gwen."- halos matumba ako sa kung pano niya sambitin ang salitang yun kinukurot ang puso ko sa sakit walang tigil ang luha ko. Hindi ko na natiis ay lumapit ako at dahan dahan kong niyakap siya mula sa likod at nararamdaman ko ang hikbi niya hindi niya inalis yun mga kamay ko na nasa beywang niya.

"Hindi ko gusto to,maniwala ka sakin kasi hindi ko din alam bakit ginawa ni Kevin yun! Hindi totoong nagkabalikan kami!  Ngayon ko dapat sasabihin sayo na mahal din kita.. pero bakit ganto? Bakit nasasaktan kita.."- sabi ko na lumuluha din damang dama ko ang pag hikbi niya pero nanatili siyang hindi nagsasalita."Im so sorry its not my plan to hurt you, mahal kita Migo.."- napahagulgol ako ng sabihin iyon. Hindi ko intensyong saktan siya lalot mahal ko na siya. Hindi ko intensyong makita na hinalikan ako ni Kevin at sabihing nagkabalikan kami hindi ko yun intensyon. Dahang dahan niyang inalis ang kamay ko kaya naman pinunasan ko ang mukha ko kahit walang tigil ang luha ko. Sinalubong ko ang mga mata niyang pulang pula na kakaiyak.

"Huwag kang mag papasok sa buhay mo kung hindi kapa handang magmahal ule. Huwag kang magpaasa kung hindi mo kayang panindigan. Huwag mo ng gagawin to sa iba Gwen."- diretso niyang sinabi yun sa mga mata ko at umalis na sa harap ko at napatumba ako at hindi ko alam san pa ko nakuha ng luha.

"Please Migo.. Please... Please.. Im so sorry.."- paulet ulet kong sinasabi sa kanya habang papalayo siya ng papalayo. Napaupo ako at napaiyak na lang. Napaka sakit kung kailan mahal ko na si Migo bakit naman ganto?

Hindi ko na alam kung pano ko nakarating sa bahay pero naabutan ko na wala na si Ate, siguroy pang umaga siya. Naupo ako sa terrace habang basang basa pa din at niyakap ang sariling mga tuhod. Naginit na naman ang mga mata ko sa nangyari. Lalo pa kong naiyak ng maalala ang sinabi at narinig ko kay Mam Zonia bago kami mag pasukan.

Nasa Mall kami at nag CR ako pag balik ko nasa table na namin si Mam Zonia. Mag sasalita na sana ko ng sinenyasan niya ko gamit ang mata na manatili sa likod ni Migo.

"Mahal mo ba?"- tanong ni Mam Zonia kay Migo na kaharap niya. Nakinig lang ako sa isasagot ni Migo.

"Mahal ko Ma'am!"- confident na sagot niya kay Ma'am Zonia. Napangiti ako kay Ma'am Zonia habang siya ay napapangiti din. Gusto kong kiligin kaso andito pa si Ma'am.Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko.

"Good. Ayokong mag kasakitan kayo ha? Mahal ko si Gwen kasi anak turing ko dyan! Anak din naman kita hijo pero mahalin niyo ang isat isa? Right Gwen?"- nagulat ako ng tawagin ako ni Ma'am at napailing si Migo ng makita ako.

"Yes Ma'am!"- sabay naming sagot sa kanya at tsaka siya umalis na si Mam Zonia. Napahawak ako sa pisngi ko  bago umupo.

"Kinilig na naman si Celes!"- sabay inom ng Frappe na hawak niya. Ngumiwi lamang ako sa kanya.

Nag Yes ma'am pa kami pero heto kami ngayon na parehong nasasaktan ng dahil sa ginawa ni Kevin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa taong yun, ayaw akong makita sa iba pero hindi naman ako minamahal at tinatrato ng ayos!

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon