FOURTEEN

21 0 0
                                    

Today is my birthday at talagang nag handa si Nanay ng bongga. Bumabawe lang daw siya kasi nung nag debu ako palabok lang handa ko at ang cake mula sa kapatid kong babae sakin naman ay okay lang na wag na dahil hindi naman importante sakin ang birthday ko.

"Happy Birthday Celestine!"-bati ni Pia sakin habang binababa ang gamit niya, dito kasi sila tutulog tatlo dahil mag iinom daw kami. Si Migo naman kailangan niyang umuwe.

"Happy Birthday Gwen!"- sabay pa sina Vali at Jessy na bumati, hinalikan din nila ko sa pisngi.

"Mag regalo din hindi puro bati."- sabi ko sa kanila kaya naman nagulat ako ng may lumipad na box agad ko naman na nasalo iyon.

"Ano naman to Pia?"- binato ni Pia ang isang kahon na halata namang relo ang laman.

"Obvious naman nagtanong pa!"- sabi niya kaya napatawa ako. Binuksan ko iyon at isa nga iyong magandang relo.

"Thankyou Pia! I love you!"- sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Iww!"- reklamo niya agad. Binigay naman ni Jessy ang paper bag na dala niya.

"Gusto ko gamitin mo yan pag may importanteng okasyon!"- ngumiti ako nakita ko na isa iyong floral dress, niyakap ko siya at nag pasalamat. Inabot din ni Vali ang paper bag na dala niya.

"Eto gamitin mo din."- binuksan ko ito at nakita ko ang pair of pajama na kulay yellow at itoy spongebob ang design. Oh I really love spongebob. Gusto ko ang mga yellows na cartoon character. Niyakap ko si Vali sa tuwa.

Marami akong bisita dumating ang mga Prof ko, mga kapwa officers sa Valencia Government, mga kaklase ko, mga kaibigan at mga kamag anak ko ay dumating.

"Asan na si Migo?"- tanong ni Karlo dahil nauna siyang dumating.

"On the way."- sabi ko sa kanya hindi pa sila kumakaen dahil inaantay pa si Migo. Dumating na din sina Anna at Dona kaya naman naupo na din sila sa mesa kung asan kami.

"Happy Birthday Gwenny!"- sabi ni Dona at binigay ang paper bag na hawak niya ganon din si Anna kanina ay nabigay na ni Karlo ang regalo niya sakin.

"Thankyou sainyo!"- nakangiti kong sabi sa kanila."Pasok ko lang to sa loob."- sabi ko at tsaka tumayo para ilagay ang regalo nila sa kwarto ko. Tinali ko ng messy bun ang aking buhok dahil medyo mainit din. Palabas na ko ng kwarto ng makarinig ako ng iritan at sigawan sa labas kaya naman lumabas na ko. Kagat labi ako napangiti ng lahat sila ay nakatayo at kumakanta ng happy birthday pero sa isang tao lang ako nakatingin, sa lalaking may hawak ng bouquet at isang malaking spongebob na stuff toys. Napansin ko din ang isang spongebob na cake na pinacustomize.

"Happy Birthday to you!"- huling linya ng kanya kaya napangiti na lang ako sa kanila.

"Happy Birthday Celes!"- binaba na muna niya ang stuff toys at kinuha ang cake na may kandila. "Make a wish."- lumapit siya sakin at inisip ko ang wish ko, hindi naman ako naniniwala sa wish pero mag wiwish ako. Sana maging ayos lang ang lahat.

"Thankyou All!"- sabi ko sa kanila lumapit sakin si Migo at niyakap ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa ginawa niya.

"Thankyou sa napakalaking spongebob!"-masaya kong sabi sa kanya dahil totoo napakasaya ko dahil doon, bukod sa kanya ay patay na patay ako kay spongebob. Kumalas ako sa yakap niya at niyakap ko ang stuff toys.

"Parang gusto ko na mag selos kay spongebob ah?"- tikhim niyang sabi at naningkit ang mata niya.

"Ikaw pa din ang paborito ko."- sabi ko kaya naman napangiti na naman si Migo na kala mo'y kinilig. Sinamahan ko siya na kumuha ng pagkaen dahil hindi pa din ako kumakaen dahil inaantay ko siya.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon