THIRTEEN

20 0 0
                                    

Dumating kami sa bahay at naabutan pa namin na gising si ate.

"Migo wag kana umuwe baka mapano kapa."- sabi ni ate habang inaayos ang buhok dahil it's skin care time na daw sabi niya.

"Okay lang ba ko dito ate?"- nakangiti niyang tanong.

"Oo naman! Huwag ka lang gagawa ng ikakabuo ng bata!"- napatawa si Ate at napakamot ng ulo si Migo.

"Ate naman!"- saway ko sa kanya. Nakakahiya! Hindi ko nga naiisip yun!

"Sige na! Dito ka na matulog at gabi na..baka mapano kapa."- sabi niya sabay pasok na sa kwarto niya kaya naman tumango na lang kami pareho.

"So may dala kabang dalang extrang damit?"- tanong ko sa kanya. "Kung wala meron akong mga over size tshirt doon.."-

"Check ko muna.."- sabi niya kaya tumango ako at hinintay siyang makabalik. Pag balik niya ay dala na niya ang bag niya.

"Meron ako dito."- sabi niya sakin at hinalungkat na ang bag niya.

"Sige na mauna ka na."- tinuro ko ang banyo at para doon na siya magpalit kaya naman tumango na lang siya. Kumuha ako ng pantulog sa kwarto ko para pagtapos ay ako naman ang mag papalit. Nag painit din ako ng tubig dahil mag luluto ako ng pancit canton with nilagang itlog tsaka medyo trip ko din mag kape ngayon.

"Tapos na."- sabi niya. Naamoy ko agad ang mabangong si Migo mula sa likod.

"Luto lang ako."- sabi ko ng di man lang siya tinapunan ng tingin.

"Ako na, palit kana."- sabi niya at tasks kinuha ang pancit canton na hawak ko ngumiti ako sa kanya bago ko tumalikod.
Naalala ko dati noong una una niyang ligaw tinuruan pa niya ko magluto ng longanisa pano ba naman hilaw pa,natawa ako habang nagpapalit na ng damit.

Natapos din naman ako agad at nakitang luto na ang pancit canton nag lalagay na siya ng seasoning. Kinuha ko ang itlog at binalatan.

"Magkakape kaba?"- pormal na tanong ko sa kanya. Siguro sa sobrang sanay namin noon sa isat isa wala ng ilangan na nangyayari saming dalawa.

"Nope.."- sagot niya.

"Milo?"

"Yon!"- nakangiti niya sabi kaya kumuha ako ng milo buti na lang may stock pa kami, hindi naman ako mahilig sa milo mas gusto ko kasi ang kape.
Pumunta na kami sa sala at naghanap ng mapapanuod, comedy ang napili namin pareho. Tahimik lang kaming nanunuod habang nakaen. Binuksan ko saglit ang cellphone ko ay puro chat pala sa GC namin sina Pia.

Pia: Kingina wer u celestine?

Vali: Kinidnap daw ni Migo

Jessy: Oh my celestine

Pia: Gag* baka maging ninang na tayo!

Halos mabuga ko ang iniinom kong kape dahil sa sinabi ni Pia.

"Okay ka lang?"- tanong ni Migo kaya naman binaba ko na agad ang cellphone ko at baka mabasa pa niya.

"Yeah."- natatawang sagot ko sa kanya.

"Makakatulog ka paba kung nagkakape ka?"-

"Oo naman, parang gatas lang sakin to."- sagot ko sa kanya kaya napatawa siya. Tinapos namin ang movie at pumasok na sa kwarto ko.

"Lapag na ko Celes."- sabi niya kaya naman tumango na lang ako. Ayoko naman isipin na hindi pa kami pero mag tatabi na kami tama na yung naghalikan na kami tsaka na sa next level. Napatawa ako sa inisip ko habang inaayos ang hihigaan niya. Kinuha ko pa ang maliit na foam sa kabila para doon siya matulog. Nakaupo nako sa kama ko at inaantay siyang mahiga doon, sumampa na siya sa foam at nakatalikod sakin kaya hindi ko napigilan na tusukin ng hintuturo kong daliri ang malaki niya na pwet.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon