NINE

22 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw ay lumalayo na sakin si Kevin hindi na siya papansin at siya na mismo nag naiwas sakin. Natakot yata sa " I will file a case against you!" natatawa ako habang iniisip ko yun dahil kung hindi ko pa  siya sabihin yun di pa siya titigil! Hindi naman ako mag sasampa talaga dahil baka pag tawanan lang ako ng mga pulis if ever tinakot ko lang siya hindi ko naman alam na kakagat siya.

At si Migo ganon padin, mas malamig pa sa yelo ni minsan hindi man lang ako dinapuan ng tingin maging si Melissa na iyakin ay tanging pangisi ngisi na lang ang nagagawa.

Nasa mall ako ngayon at dahil sanay akong magisa ay hindi na bago sakin to. Nanunuod ako ng sine magisa, kumakaen mag isa, nag gagala mag isa. Minsan kasi sa buhay kailangan mong bigyan ng time ang sarili mo para pag toxic na ang mga tao sa paligid ay mapapahinga mo ang buhay mo.

Namili ako ng movie na papanuorin comedy ang pinili ko , bumili na ko ng popcorn at ice tea. This is life! Walang asungot and it's me time! Pumasok na ko sa sinehan at nag hanap ng mauupuan marami ng tao sa taas na puro couple o kaya naman family. Nag hanap padin ako sa taas dahil ayoko sa uhanan nakakahilo don. May nakita akong upuan na ang katabi ay mag jowang nag haharutan na, of course hindi ako don umupo. Nag hanap pa ko at mag nakita na may two seats pa na available na katabi ay pamilya siguro dahil may tatlong bata pa.

Umupo ako at kumakaen na ng popcorn ng mamatay ang ilaw hudyat na mag sisimula na. Nag cellphone muna ko dahil trailer pa lang ng upcoming movie.

"Miss may nakaupo?"- napatingin ako sa lalaking nag tanong. "Nevermind"- mabilis siyang tumalikod at sa gulat ko ay sinundan ko na lang ng tingin ang likod niya na pababa na ng sinehan. Tanging ulo na lang niya ang nakita ko, napakagat labi ako at umayos ng upo.

Buong movie yata ay hindi na ko nakapokus dahil alam kong andito si Migo sa sinehan. Wala din siyang kasama katulad ko. Sana niyaya niya na lang ako para dalawa kami. Napangisi ako sa naisip ko at natapos na lang ang movie ng wala akong naintindihan.
Naglabasan na ang mga tao at nag tataka ko kay Migo dahil hindi pa siya natayo kaya naman bumaba ako. Tumapat ako sa upuan niya at bored siyang tumingin sakin pero hindi sa mga mata ko.

"Hi."- kagat labi kong bungad sa sarili ko.

"What?"- bored na sagot niya at humawak pa sa sintido niya.

"Pwede ba tayong mag usap?"-

"Para saan pa."- tumayo na siya pero lakas loob kong hinawakan ang braso niya kahit na kinakabahan ako dahil baka masaktan ko na naman siya. "Don't touch me.."- malamig na sabi niya kaya naman napabitaw agad ako sa kahihiyan.

"Just.. talk to me please.."- mahina kong sabi sa kanya pero nanatili siyang nakatingin sa kung saan, hindi talaga niya ko matingnan ng mata sa mata.

"For what? para masaktan ulet ako?"- napabuntong hininga ako sa sinabi niya kaya naman mas tinatagan ko ang loob ko.

"No.. Im sorry. I really sorry.."- napatungo ako ng sabihin ko yun sa kanya at pinaglaro ang mga daliri ko.

"Bakit ka ba nag sosorry? Nag sosorry ka ba dahil guilty ka o nag sosorry ka dahil umaasa ka na aayos ang nararamdaman ko?"- diretsong sabi niya sakin kaya napailing ako.

"Nag sosorry ako dahil nasaktan kita.."- sinsero kong sabi sa kanya.

"Okay..Nasabi ko naman ata sayo dati na pag nawala na ayaw ko na talaga.."- tumalikod na siya at iniwan ako. Napatulo ang luha ko habang kagat kagat ko ang labi ko na halos dudugo na. Naiinis ako sa sarili ko dahil iba nga pala si Migo sa iba, pag ayaw niya wag pilitin dahil ayaw niya talaga.
Pinunasan ko ang luha ko at lumabas na.

Dumiretso ako sa food plaza ng mall at pumili ng ibat ibang pagkaen don. Ganto ko pag naiistress napapakaen ng hataw.

Habang nakaen ako ay may biglang umupo sa harapan ko nagulat ako ng si Rico ang umupo.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon